^

PSN Opinyon

Sino kaya ang 12 bidders na ‘superbagyo’ kina Atienza at Noble?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Maraming reaksyon ang aking natanggap mula sa mga taga-Manila City Hall matapos kong punahin ang moro-morong bidding tungkol sa P39 million budget para sa Procurement of Various Substinence Supply of Patients, Foods Items and Zoological Supply. He-he-he! Nagmamalasakit na ang mga Manilenyo sa napakalaking halagang gastusin ng Maynila na sana ay mapakinabangan ng lahat at hindi basta mapunta sa bulsa ng ilang masisiba.

Ayon sa aking mga nakausap, nagkagulo umano sa tanggapan ng City General Services Office (CGSO) noong Huwebes habang idinadaos ang bidding ng supplies ng foods items para sa Ospital ng Maynila, Ospital ng Tondo, Gat Andres Bonifacio Medical Center. Ospital ng Sampaloc, Department of Social Welfare and Development, Public Recreations Bureau at Manila Zoo ang mga bidders.

Alam ba ninyo mga suki kung ano ang dahilan? Umalma umano ang ilang bidders sa kadahilanang hindi mga qualified ang ilang bidders na sumali sa pa-bidding. Ang ilan sa makakapal ang mukha ay iba-iba ang nature ng kanilang business na dekada na nilang pinanghahawakan na dinaan sa impluwensiya.

Labis ang poot ng ibang bidders dahil namanopolya ng mga malalakas kina Manila Mayor Lito Atienza at City Administrator Dino Noble ang mga malalaking kontrata para ngayong 2007, he-he-he!

Mukhang masasayang ang magagandang proyekto ni Mayor Atienza na "Buhayin ang Maynila" kung patuloy na ginagasgas ng ilang masisibang negosyante na nakapaligid sa kanya.

Mukhang may tulog ang kanyang anak na si Ali sa darating na election kung ang mga bidders na labis na nainsulto ay pumanig sa kalaban. Ito marahil ang simula ng intriga na gagamitin naman ng kanilang mga kalaban sa pulitika.

At bilang patunay sa moro-morong bidding ay pinadalhan ako ng mga listahan ng mga bidders na sumali. At ito’y kinabibilangan nina: Rivson-Grace Rivera, Chelsea, VS Foods Supplies, Inonye– Del Rosario General Mechandize, L.A. Dionisio Trading and Construction– Luz Dionisio, C.G.A. General Merchandize– Corazon Arce, Pol and Pau– Ramoncita Marquez, SPV & JA General Merchandize– Ka-Billy, Spike General Merchandize–Fernando Patawaran, Rodkach General Merchandize– Ka-reen Joy, Pol Enterprises– Pol Palmino at Business Royale & Agricultural Produce –Joseph Santos.

Nais lamang umano nilang ipakilatis sa lahat ng mamamayan ng Maynila na ang ilan sa mga kompanyang ito ay hindi nararapat na makibidding sa naturang proyekto, he-he-he! Ito marahil ang magiging tulay upang ganap nating makilala ang mga kompanya na karapat-dapat na bigyan ng kontrata. libre na kayo sa ads!

Sino kaya ang tinutukoy nilang 12 bidders na "superbagyo" kina Mayor Atienza at Administrator Noble? ‘Wag bibitiw mga suki at pasusubaybayan ko sa aking mga asset ang kontrobersiyal na bidding.

ADMINISTRATOR NOBLE

AGRICULTURAL PRODUCE

BIDDERS

BUSINESS ROYALE

CITY ADMINISTRATOR DINO NOBLE

GENERAL MERCHANDIZE

MAYNILA

MAYOR ATIENZA

OSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with