^

PSN Opinyon

Home along da riles

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
KAHAPON ho ay meron na namang namatay dahil nasagasaan ng tren. Isa na namang karagdagan ito sa mahigit 700 iba pang napatay sa loob ng ilang taon habang tumatawid sa riles o di kaya’y nahahagip habang naglalakad sa tabi ng riles.

Alam ng karamihan na mapanganib tumira sa tabi ng riles o iyong tinatawag na "home along da riles" pero gaya ng ibang mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa tabi ng ilog at iba pang mga mapapanganib na lugar ay wala silang magawa at kapit sa patalim ang mga kababayan nating mga ito.

Noong nakaraang linggo, ay dumalaw ako sa may tabi ng riles ng train malapit sa Antipolo St., sa may Blumentritt. Kasama ako ni dating congressman Harry Angping na nakiramay sa isang lider niya at kagawad sa naturang lugar na pumanaw dahil sa sakit.

Kitang-kita ko ho na lalong dumami ang bilang ng taong nakatira riyan mula nang pasukin namin iyan kasama ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada noong 1998.

Dumating kami ng pasado alas-siyete ng gabi kasama ni Cong. Harry at sinalubong kami ng ilang mga nakatira roon na malugod namang sinamahan papasok sa home along da riles.

Dinaan kami sa isang maliit na iskinita kung saan dinatnan namin ang napakaraming mga bata at matanda na doon mismo sa riles ng tren nagpapahinga. Dala ang kanilang mga mesa, silya at iba pang gamit ay nagpapahangin sila bago bumalik sa kanilang munting tahanan kung saan sila natutulog.

Ramdam na ramdam ko ang mainit na pagtanggap nila sa amin sa naturang lugar at muli nagpapasalamat ako. Mahaba-haba rin ang aming nilakad at komo madilim na ay inalalayan pa ako nang husto ng ilan sa mga residente roon na naglabas ng flashlight upang ilawan ang aming daraanan.

Pagkatapos naming nakiramay ay sinamantala kong makipag-usap sa ilang mga residente ng lugar. Bagama’t alam ko na kung may malilipatan lamang ay mas nanaisin nila ito, hindi ako nakatiis at nagtanong din kung bakit sila nanirahan sa ganoong lugar na mapanganib hindi lamang sa kanila kung hindi sa kanilang mga anak.

Sa ilang nakausap ko, iisa ang sinabi nila, nais nilang magkaroon ng maayos na tahanan lalo na para sa kanilang mga anak pero wala silang choice dahil na rin sa kakarampot na suweldo na hindi kayang umupa man lamang ng bahay na maayos sa ibang lugar.

Ang ilan ay napilitang doon mangupahan o manirahan dahil natanggal sila sa trabaho hindi dahil sa katamaran kung hindi dahil sa nagsara ang kompanyang kanilang pinapasukan.

Isa naman sa kanila ay nagkasakit na naging dahilan ng pagkatanggal sa trabaho. Sa kasalukuyan, nag-vendor siya pero sobra ang liit ng kinikita at hindi pa tinatantanan ng mga pulis na mahilig mangotong.

Lahat ho sila nais na magkaroon ng maayos na tahanan kung saan may lugar na mapaglalaruan ang kanilang mga anak o apo at hindi nanganganib tuwing daraan ang train pero wala silang magawa.

Pangarap din nilang lahat na makalipat sa isang tahanan na matatawag nilang kanila at hindi manatili sa isang lugar na squatter’s area.

Pero wala silang magawa, hindi nakakarating sa kanila ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya ni Madam Senyora Donya Gloria. Ultimo patak ng kaunlarang ito ay hindi nila nararamdaman.

Samantala, patuloy ang pagpapahirap sa kanila ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno na walang tigil na nangungurakot kasama na ang ilang mga opisyal ng Philippine National Railways na nagpapatakbo ng train natin na ibinebenta ang mga bakal at iba pang mamahaling property ng naturang kompanya at ibubulsa ang mga kinikita rito.

Milyon din ang halaga ng pangungurakot dito at kung ito man lang ay maibigay na lang deretso sa mga nakatira sa tabi ng riles upang gawin nilang pabahay ay gagaan ang buhay nila agad agad. Kaso, hindi ito ang ginagawa na dahilan ng patuloy na paghihirap ng kaawa-awang mga kababayan.
* * *
Hindi raw overkill ang ginawa ng Philippine National Police sa Iloilo city kamakailan. Baka nga hindi dahil sadista siguro ang mga pulis at karinyo brutal ang ginawa. Ni-raid naman ang bahay ng suspendidong mayor ng Sta. Rosa, Laguna dahil may report daw na maraming baril na nakatago. Walang nakita at ang napatunayan lamang ay muli absent ang intelligence ng PNP.
* * *
Sa mga taga-ikatlong distrito ng Maynila, nais ko po sanang humingi ng inyong payo kaya kung maaari ay mag-text po kayo agad sa akin. Ibigay n’yo lang po ang inyong pangalan at exact address. Maraming salamat po.

Sa iba namang mga kababayan na patuloy na tumatangkilik sa akin, text lang ho kayo at pangako ko lahat ho ng pinadadala n’yo ay binabasa araw-araw at binibigyan ng pansin. Maraming salamat po uli.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

ANTIPOLO ST.

DAHIL

HARRY ANGPING

ISA

KUNG

LUGAR

RILES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with