^

PSN Opinyon

Marami nang lumalayas sa oposisyon

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
LUMABAS na ang pagkakawatak-watak ng oposisyon nang pumalag si dating senador Francisco "Kit" Tatad kay dating Presidente Erap Estrada. Sa pamamagitan ng sulat, inihayag ni Tatad kay Erap ang kanyang mga hinaing at mga hindi nagugustuhan sa kanilang kampo. Sinabi ni Tatad na hindi siya sang-ayon kung pinal na pipiliin ng kanilang samahan ang ilang kakandidato sa pagka-senador sa Mayo 14, 2007 elections.

Malaking pagkakamali, ayon kay Tatad kung itataguyod ng UNO ang kandidatura ni JV Ejercito na anak ni Erap, Koko Pimentel, anak ni Sen. Nene Pimentel at Rep. Alan Peter Cayetano, kapatid ni Sen. Pia Cayetano. Ipinaliwanag ni Tatad na napakasagwa para sa kanilang partido kapag nangyari ito sapagkat pami-pamilya na lamang ang magpapaandar ng senado. Ito ay maliwanag na paglabag sa "political dynasty" law at pangit tingnan ng taumbayan.

Hindi lamang si Tatad ang umiiskapo sa oposisyon. Pati sina dating Senador Tessie Aquino at Tito Sotto ay balak na ring lumipat sa kampo ng administration. Masama ang loob ng dalawa sapagkat hindi sila napili ni Erap para maging opisyal na kandidato sa pagka-senador.

Parami na nang parami ang gustong lumayas sa oposisyon at lumipat sa administrasyon gaya nina Oreta at Sotto. Sa isang iglap, tagilid ang bangka ng oposisyon at hindi malayong tumaob.

Lumalabas na mas maganda ang patakbo ng administrasyong Arroyo kaysa sa oposisyon.. Ano naman kaya ngayon ang iniisip ng mga taga-administrasyon lalo na ang nag-uurung-sulung na gustong kumandidato sa pagka-senador. Baka ang mangyari nito ay magkapalitan ng mga kandidato ang administrasyon at oposisyon. Posible ito.

ALAN PETER CAYETANO

ANO

ERAP

KOKO PIMENTEL

NENE PIMENTEL

PIA CAYETANO

PRESIDENTE ERAP ESTRADA

SENADOR TESSIE AQUINO

TATAD

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with