^

PSN Opinyon

Booo!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
SABI ni Executive Secretary Eduardo Ermita na pinalakpakan daw si Madam Senyora Donya Gloria nang manood ito ng concert ng Il Divo sa Philippine International Convention Center (PICC) at wala raw katotohanan na nagalit ang mga nanonood dahil pinaghintay sila nang matagal.

Si Presidential Security Group head Col. Romeo Prestoza naman ay nanawagan sa publiko na bigyan naman daw ng respeto ang posisyon ni Madam Senyora Donya.

Akala ko ba pumalakpak at nagsitayo pa ang ibang nanonood nang dumating si Madam Senyora Donya Gloria ayon kay Ermita, eh bakit sinabi ni Col. Prestoza na bigyang galang ang posisyon man lamang. Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Sino ba ang nagsisinungaling? Baka naman parang Hello Garci tapes na boses nga iyon ni Madam Senyora Donya Gloria pero hindi siya iyon.

Gulo ano? Basta gawin na lamang ngayon pag nakita si Madam Senyora Donya Gloria kahit saan o kanyang mga kakampi, kaalyado, kandidato, kakutsaba, kapartido, kapuso, kapamilya, sipsip at linta ay bigyang galang ang kanyang posisyon at pagdikitin ang ating mga kamay sabay sigaw ng BOOO!!!

Lakasan n’yo lamang dahil baka hindi kayo marinig at totoo ang sinabi ng PSG na malamang hindi ito narinig ni Madam Senyora Donya Gloria dahil matagal na namang hindi naririnig ng Malacañang ang hinaing ng sambayanang Pilipino. Bingi na sila kaya BOOO lamang ha at huwag alis na o baba na!!!
* * *
Patuloy na lumolobo ang bilang ng Pinoy na umaalis at iniiwan ang kanilang pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa. Kahit na masakit ang malayo ay hindi bumababa ang bilang ng ating mga kababayan na nagsasapalarang umalis at humarap sa ibang bansang kakaiba ang kultura at batas.

Tuwang tuwa naman ang Malacañang sa mga pagbabagong ito dahil lumalaki ang remittances ng dolyar na tanging dahilan nang hindi paglagapak ng ekonomiya at ang tinatawag nating brain drain.

Nakaalis na ho ang mga magagaling nating doctors, nurses, teachers, engineers, professionals at iba pang skilled workers. Ang ibang natitirang mahuhusay ay nais ding mangibang bayan.

Pero balewala ito sa administrasyong ito na kinagagalak lamang ay remittances ng dolyar at iba pang foreign currencies samantalang araw-araw ay mabigat ang balitang nakararating sa atin tungkol sa mga kababayan nating nag-suicide raw sa Middle East, OFWs na pinasok ang kanilang tirahan ng ibang dayuhang nais silang saktan o di kaya’y mga kinikidnap ng mga rebeldeng grupo sa Africa.

Hanggang kailan magiging policy ng gobyerno ang gawing kalakal ang sambayanan at patuloy na i-export? Lubos na nakalulungkot, kailan magtatapos ang paghihirap ng sambayanan at manaig ang kabutihan laban sa kasamaan. Sana lamang maagapan at sobra na ang pagdurusa sa kamay ng masasama.
* * *
May ilang sector na nagsasabing dapat akong manungkulan muli sa gobyerno pero ngayon bilang isang halal ng bayan sa local na posisyon. Iniisip kong maigi ang bagay na ito kaya ako sumasama sa pag-iikot sa ikatlong distrito ng Maynila kung saan ako lumaki at kasalukuyang nakatira.

Pero gaya ng pagtanggap ko ng posisyon sa ehekutibo noong panahon ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ay kailangang makatulong ako kahit sa konting paraan sa mga kababayan natin, lalo na ang masang naghihikahos dahil sa kalupitan ng kasalukuyang administrasyon.

Lagi kong pinagmamalaki na sa aking panunungkulan bilang pinuno ng Human Settlement Development Corporation (HSDC) at General Manager ng Philippine Tourism Authority (PTA) ay hindi ako nabahiran ng anumang corruption dahil naging palatuntunan ko na magdesisyon base sa anomalya. Katotohanan ay malaking halagang pera na umaabot ng daang milyon ang naiwan ko sa mga opisinang pinaglingkuran.

Sa kasalukuyan, habang sumasabay ako kay dating Congressman Harry Angping at tunay na nanalong Congresswoman Naida Angping sa kanilang pag-iikot sa Quiapo, Binondo, San Nicolas, Parola, Sta. Cruz, Blumentritt at Tambunting, nakikita ko ang lubos na kahirapan ng marami sa ating mga kababayan.

Marami ho sa kanila ay nakatira sa sobrang liit na lugar na tinatawag na bahay na walang maayos na banyo at tubig. Hindi rin nila matiyak kung saan kukunin ang susunod na kakainin ng pamilya at mga anak na hindi lamang madamitan nang maayos at mapag-aral ng tama.

Masyado akong apektado sa mga nakita at kung sakaling lumusong ako sa mundo ng pulitika, pangunahin kong dahilan ay kailangang may maitulong ako kahit na konti sa mga kababayang lubos na naghihirap.

Kailangan kahit paano ay maiangat ko ang ilan sa kanila sa kahirapan lalo na ang kanilang mga anak na dapat mapag-aral nang husto at mag-aahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.

Kung hindi rin lang ako makatutulong kahit konti, kalilimutan ko ito at mananatili sa pagsusulat kung saan magpapatuloy ako sa pagbulgar ng mga katiwalian na dahilan ng patuloy na kahirapan ng sambayanan.
* * *
Sa mga taga-riyan sa ikatlong distrito ng Maynila, gabayan n’yo ako sa pamamagitan ng inyong text messages. Ilagay n’yo lamang po ang inyong pangalan, contact numbers at address upang makahingi ako ng payo sa inyo.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

AKO

CENTER

CONGRESSMAN HARRY ANGPING

CONGRESSWOMAN NAIDA ANGPING

LAMANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with