Ang kapatid kong sakim
January 24, 2007 | 12:00am
KASAKIMAN
ito ang isa sa mga "deadly sins."
Maraming kasamaan ang dulot ng ugaling ito. Kadalasan hindi nag-aatubiling magnakaw, mandaya, magsinungaling at sa mga grabeng kaso ay pumatay makuha lamang ang nais nila para sa kanilang kapakanan. Sa English, "GREED" tawag dito.
Ang masaklap nga dito ang taong mas may kaya sa buhay ay mas sakim marahil dahil sa mas marami ka ng luho sa buhay. Nung ikaw ay walang-wala pa konti lamang ang gusto mo.
Nagpunta sa aming tanggapan si Ma. Carmela Pispis ng Quezon City upang humingi ng tulong hinggil sa kasong Multiple Murder at Frustrated Murder laban sa mga suspeks.
Matagal nang may alitan ang biktimang si Clarito Pispis at ang kapatid nitong si Ernesto Pispis alyas Pamboy dahil sa lupang pag-aari ng kanilang mga magulang. Nagkaroon ng kasulatan na hati sina Clarito at Pamboy sa lupang sinasaka subalit ayaw pumayag ng huli. Ang gusto ni Pamboy na arian ang lupang sinasaka na bagay na tinutulan naman ni Clarito. Ito ang nag-ugat sa hindi pagkakasundo ng magkapatid.
Ayon kay Carmela, Agosto 2002, ilang miyembro ng NPA ang di-umanoy nagpunta sa kanilang bahay at ipinalaam nitong inirereklamo siya ng kanyang kapatid na si Pamboy hinggil sa lupa na kanilang mga magulang.
Sinasabi nitong si Pamboy na puwersahang kinuha ni Clarito ang bukid na yon at dahil dito ay walang tigil ang pagbabanta ng una sa huli. May mga balita ring natanggap si Carmela na handang magbigay ng malaking halaga si Pamboy kapalit ng buhay ni Clarito.
Dahil sa walang tigil na pagbabanta sa buhay ni Clarito nauwi na rin ito sa pagsampa ng kasong Grave Threats laban kay Pamboy habang Attempted Homicide naman laban kay Jesus Laconsay.
Samantala kinasuhan din naman si Clarito ng Malicious Mischief ni Pamboy dahil sa di-umanoy ginawa nitong pamemeste sa mga kaban ng palay. Ang lahat ng pangyayaring ito ay dahil sa sinasabing puwersahang pag-angkin ni Clarito sa bukid na pag-aari ng kanilang mga magulang na bagay na tinutulan ng mga kapatid nito.
Ika-22 ng Nobyembre 2003 bandang ala-1:30 ng hapon sa Sitio La Torma, San Isidro, Lupao, Nueva Ecija naganap ang insidente. Pauwi na noon sina Clarito, Jeffrey Pispis, Ernesto Mariano at Ryan Fred Ayeras mula sa pangunguryente ng mga isda. Lulan ng isang tricycle ang mga biktima kung saan si Clarito ang nagmamaneho habang si Jeffrey naman ang naka-back ride dito.
Hindi pa nakakalayo ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na sina Pamboy kasama pa ang isang suspek, si Jesus Laconsay at agad na pinagbabaril ang mga biktima. Dahil sa pamamaril kay Clarito, nailiko nito ang tricycle kung kaya nahulog noon si Jeffrey at nagkataong dinapaan ito ng una upang iligtas ang huli.
Sa tagpong iyon, hindi na makakilos si Jeffrey dahil sa tama ng bala at doon ay biglang lumitaw ang isa pang suspek, si Noli Baluoy. Hinila ni Noli si Clarito mula sa pagkakadapa at pagkatapos at tinaga pa ito.
Sa pag-aakalang patay na lahat ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek mula sa pinangyarihan ng krimen. Isang kapitbahay naman ang nagbalita kay Carmela sa nangyari sa kanyang mag-ama. Binawian ng buhay sina Clarito, Ernesto at Ryan Fred dahil sa tinamo nito bala sa katawan habang si Jeffrey naman ay himalang nakaligtas sa kamatayan.
"Hindi ko malaman ang gagawin ko nang sabihin pinagbabaril ang asawa at anak ko. Mabuti na lamang ay nakaligtas si Jeffrey na siyang makakapagpatibay sa kasong isinampa namin laban sa mga suspek," pahayag ni Carmela.
Nakita rin ni Jeffrey na kasama ng mga suspek noon sina Rosalina Abad, Conching Laconsay at Milenio Laconsay.
Nagsampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima at nagkaroon ng preliminary investigation. Mariin namang pinabulaanan ng mga suspeks ang akusasyon laban sa kanila subalit nang lumabas ang resolution pumabor naman ito sa pamilya ng mga biktima subalit tanging sina Pamboy, Jesus at Noli lamang ang nakasuhan.
Sa takot ng pamilya ni Carmela sa mga suspek na pumaslang sa kanyang asawa at mga kasama maging sa tangkang pagpatay sa anak nitong si Jeffrey hiniling nito sa Korte Suprema na ilipat ang pagdinig sa kasong ito. Napagbigyan naman ang kahilingan nito na mailipat ang kaso sa Regional Trial Court ng Maynila.
Disyembre 2005 nang mahuli si Ernesto Pispis habang ang mga suspek naman na sina Jesus at Noli ay nagtatago pa rin hanggang ngayon.
NARITO ang larawan ng isa sa mga suspek sa kasong ito na hanggang ngayon ay malayang gumagala-gala. Siya si NOLI BALUOY. Tulungan natin ang pamilya ng biktima na makamtan nila ang HUSTISYA para sa mga pinaslang nilang mahal sa buhay.
Para sa anumang impormasyon na makapagbibigay-alam sa kinaroroonan sa mga suspek maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 637-3965-70. Maaari din kayong mag-text sa 0921-3263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Sa puntong ito nais kong pasalamatan si Carlo Castro at Dennis Pasicolan ng Fastlane Auto Service sa Alabang, Muntinlupa. Maraming salamat sa inyong tulong.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended