Maaring sa ibaba ka nag-umpisa subalit kung ang performance mo ay maganda, bukas sa iyo ang tugatog ng tagumpay. Mayor ng maliit na bayan naging Presidente ng buong Pilipinas: Joseph Estrada. Mayor na naging Vice President: Fernando Lopez (Iloilo City) at si ERAP. Sa mga pangulo ng Senado: si Jose Avelino ay nag-umpisang Konsehal ng Calbayog; Amang Rodriguez, Mayor ng Montalban; Manong Ernie Maceda, Konsehal ng Maynila; Ka Celing Fernan, bokal ng Cebu; si Nene Pimentel, Mayor ng Cagayan de Oro. Puros malaking pangalan. Subalit nung nag-umpisa ay pare-parehong hindi kilala na nakipagsapalaran sa halalang lokal.
Ito ang bentahe ng demokrasya - kahit ang pinakamaliit na Juan de la Cruz ngayon, may posibilidad maging Pangulo bukas. Sa mga bagong dugo, si Sen. Kiko Pangilinan at si Sec. Mike Defensor ay nag-umpisa bilang Konsehal sa Quezon City. Ilang pulitiko rin namang sa baba ay hindi na dumaan dahil sa kasikatan o sa pangalan ng magulang, tulad ni Gloria MACAPAGAL-Arroyo. Ang mga kandidato namang dumaan sa ranggo ay lamang sa karanasan sa pamamahala. Itoy halos garantiya na ng magandang paglingkod.
Sa kaso ni Cong. Allan Peter Cayetano, bagamat laging napapabilang sa usaping political dynasty dahil anak ni Compañero at kapatid ni Senador Pia, hindi kailanman maaring tawa-ran ang kanyang karapatang tumakbo dahil siyay naging konsehal ng Taguig-Pateros, naging Vice Mayor, tatlong term na congressman bago ngayong kakandidatong senador. Isa sa pinakabatang tatakbo, mahigit kalahati na ng buhay ni Allan Peter Cayetano ay inialay sa paglingkod sa tao. All the way Cong! Ituloy ang pagsulong ng makabayang adhikain.
Cayetano, Devanadera & Co.
Grade: 91