Masakit marinig pero hindi masisisi ang mga respondents kung magsalita ng ganito. Mabuti nga at medyo magalang pa ang pagkakasabi ng mga respondents na "hindi mapagkakatiwalaan" at hindi dineretsang sinabi na "mga manloloko" o di kaya namay "mga magnanakaw na naka-Amerikana" o di kaya naman ay sabihing "mga buwaya".
Tama ang sinabi ng mga respondents tungkol sa mga pulitiko at marahil kapag nabasa ito ng mga nagbabalak kumandidato sa May elections ay makapagdudulot sa kanila ng liwanag. Baka sakaling matauhan at magkaroon na ng pagbabago.
Limang buwan na lamang at eleksiyon na. Kahit na hindi pa nagsisimula ang campaign period ay nakita na ang electioneering sa mga nakasabit at nakakabit na mga banners at streamers. Hindi pa tahasang nakikiusap na iboto sila pero masasalamin nang nagpapakilala sa publiko. Hindi naman magtatagal at mapupuno na naman ang mga plaza ng mga magtatalumpating kandidato. Kung anu-anong gimik ang gagawin. Mayroong gagamit ng mga sikat na jingle o di kayay ng mga sikat na awitin. Gagamitin ang sikat na boksingero, champion sa billiard, basketball at kung sinu-sino pa para maitatak ang pangalan sa kukote ng voters. Kapag tinanong kung mayroon siyang plataporma para sa nasasakupan, ang sagot "madali na iyon."
Huwag iboto ang mga hindi mapagkakatiwalaan.