EDITORYAL Hindi mapagkakatiwalaan ang mga pulitiko
January 24, 2007 | 12:00am
TATLO sa bawat limang Pilipino ang nagsa- bing hindi mapagkakatiwalaan ang mga pulitiko. Ito ay batay sa survey na ginawa noong November 2006 ng Asia Research Organization for Gallup International Association. Kalahati sa mga sinurvey ay may edad na 18. Bukod sa hindi mapagkakatiwalaan, sinabi rin ng mga respondents na masyadong balat sibuyas sa public opinion ang mga pulitiko at karamihan ay hindi nag-aasal nang mabuti. May nagsabi rin na masyado ang tinatamasang kapangyarihan at responsibilidad ng mga pulitiko. Pero ang mabigat na sinabi nga ay hindi mapagkakatiwalaan ang mga pulitiko.
Masakit marinig pero hindi masisisi ang mga respondents kung magsalita ng ganito. Mabuti nga at medyo magalang pa ang pagkakasabi ng mga respondents na "hindi mapagkakatiwalaan" at hindi dineretsang sinabi na "mga manloloko" o di kaya namay "mga magnanakaw na naka-Amerikana" o di kaya naman ay sabihing "mga buwaya".
Tama ang sinabi ng mga respondents tungkol sa mga pulitiko at marahil kapag nabasa ito ng mga nagbabalak kumandidato sa May elections ay makapagdudulot sa kanila ng liwanag. Baka sakaling matauhan at magkaroon na ng pagbabago.
Limang buwan na lamang at eleksiyon na. Kahit na hindi pa nagsisimula ang campaign period ay nakita na ang electioneering sa mga nakasabit at nakakabit na mga banners at streamers. Hindi pa tahasang nakikiusap na iboto sila pero masasalamin nang nagpapakilala sa publiko. Hindi naman magtatagal at mapupuno na naman ang mga plaza ng mga magtatalumpating kandidato. Kung anu-anong gimik ang gagawin. Mayroong gagamit ng mga sikat na jingle o di kayay ng mga sikat na awitin. Gagamitin ang sikat na boksingero, champion sa billiard, basketball at kung sinu-sino pa para maitatak ang pangalan sa kukote ng voters. Kapag tinanong kung mayroon siyang plataporma para sa nasasakupan, ang sagot "madali na iyon."
Huwag iboto ang mga hindi mapagkakatiwalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended