^

PSN Opinyon

Pangarap na bahay para sa pamilya

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NARITO ang sulat na natanggap ko mula sa isang kababayang OFW:

"Isa po ako sa mga OFW na laging nagbabasa ng inyong column dito sa Pilipino Star NGAYON.

Gaya ng mga lumalapit sa inyo gusto ko rin po sanang humingi ng tulong tungkol sa murang pabahay mula sa ating gobyerno.  Marami na po akong napagtanungan kaso hindi ko kaya ‘yung mga presyo na binibigay nila, ‘yung iba nga po, cash pa. 

Kung maari po sana ‘yung mababayaran ko ng buwanan kasi po buwanan po ang sahod namin. Nakatira po kasi ang pamilya ko sa squatters area sa likod ng NSO Sta. Mesa na napakadelikado po pag nagkasunog. 

Umaasa po ako na matutulungan n’yo rin ako na ma-kahanap ng bahay at lupa para sa akin at sa pamilya ko.

Maraming salamat at nawa’y marami pa po kayong matulungang mga kababayan natin lalung-lalo na ang mga OFW na katulad ko na nagsisikap para magkaroon ng sariling bahay at lupa."

Gumagalang,

Alex Rosario,


Doha, Qatar


Inutusan ko na ang aking staff na tingnan at bigyang solusyon ang inilapit mong problema.Pakihintay na lamang ang sagot. Maraming salamat.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maaari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o sumulat sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ALEX ROSARIO

DOHA

DOKTORA NG MASA

GAYA

GUMAGALANG

MARAMING

PASAY CITY

PILIPINO STAR

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with