^

PSN Opinyon

Sasakyan ng gobyerno bantay sa restaurant!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA patuloy na pagtugis ng BITAG sa ilang pasaway na gumagamit ng mga pulang plaka. Ngayong 2007 ipinagpapatuloy ng BITAG ang aming nasimulan kampanyang pagtugis sa mga sasakyan ng gobyerno na ginagamit ng ilang tiwaling empleyado ng gobyerno sa kanilang kapritsuhan.

Na nakatawag pansin sa Office of the Ombudsman at sinimulan ang kanilang sariling kampanya laban sa mga red plate users. Kaya ngayon taon, sa nalalapit na eleksyon, patuloy pa rin ang paggamit ng mga sasakyang may pulang plaka ng mga makakapal na mukha na kawani at opisyales ng pamahalaan. Ilan dito yung hinalal sa lokal na pamahalaan.

Apat na sunud-sunod na gabing minanmanan ng mga grupo ng BITAG ang buong kamaynilaan. Iba ang estilong ipakikita ngayon ng BITAG, kung noon ay kinukumpronta namin harap-harapan ang mga nahu-huli namin, ngayong 2007, pagtatrabahuin namin ang tanggapan ng Ombudsman.

Isusubo na lamang namin sa kanila ang mga actual surveillance namin at ipapasa sa kanila ang mga nakuhang impormasyon sa Land Transportation Office kung kani-kanino naka-issue ang mga sasakyang nahuli ng BITAG.

Kaya naman magiging magaan para sa Office of the Ombudsman ang kanilang trabaho dahil kumpletos rekados at dokumentado pa mula sa LTO. Gagawin na lamang ang Ombudsman ay ipatawag at pagpaliwanagin ang mga nahulog sa surveillance camera ng BITAG.

At kung mapatuyang ginamit sa kanilang personal na kapritsuhan ay masus- pinde at malapatan ng tamang parusa ng hindi pamarisan.

At ngayon pa lang tinatawagan namin ng pansin si Manila Vice Mayor Danny Lacuna, ihanda mo na ang iyong palusot kung ano yung ginagawa ng sasakyang red plate sa tapat ng iyong restaurant sa Baywalk, alas dos na ng madaling-araw.

Vice-mayor mukhang ang sasakyan ng gobyerno ay nagiging service para sa iyong sariling negosyo na walang kaugnayan sa gobyerno. Hindi layunin ng BITAG na manira ng kahit sinong pulitiko estilo lamang namin ilantad ang katotohanan. Dahil kapag hindi namin nadukomento hindi namin ikinukuwento!

APAT

BAYWALK

BITAG

DAHIL

KAYA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA VICE MAYOR DANNY LACUNA

NAMIN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with