sa bayang San Pedro, Barangay Landayan
at noong Disyembre nang taong nagdaan -
itoy kinilalang isang national shrine!
Ang Santo Sepulkroy ang patay na Kristo
nang mula sa krus ay ibinaba ito;
dooy nagdarasal ang mga deboto
na ang pinagmulay ibat ibang dako!
Ang Santo Sepulkroy Kristong nakahiga
pagkat Siyay patay na ginugunita;
sa maramng bayan at mga probinsya
kung Mahal na Araw prusisyong mahaba!
Noon ngang Disyembre ng taong nagdaan
obispo at pari rooy nagdatingan;
simbahan ng Santo ay benindisyunan
at ginawa itong dambanang pambayan
Matagal nang dapat ito ay ginawa
ng Inang-Simbahan sa buong Laguna;
dahil itong Santo ay mapaghimalat
laging dinarayo ng mayamat dukha!
Sa saganang isda at ani sa bukid
bayan ng San Pedro sa biyayay tigib;
itoy utang natin sa Patrong kay bait
na nagpapakita ng Kanyang pag-ibig!
Dahil narito nga pambansang dambana
ang taga-San Pedro - maging maunawa;
taga ibang lugar na namamanata
ay bigyan ng pansin - igalang ang nasa!
At saka ang traffic ay dapat ayusin
lahat ng pasukan dapat paluwagin;
sasakyat pedicab dapat ay re-routing
pwesto ng paninday dapat ilipat din!
Sa mga sasamba sa Santo Sepulkro,
huwag magkamaling gumawa ng palso;
Patrong nakahiga kahit patay Ito
ay baka bumangon at sipain kayo!