^

PSN Opinyon

Santo Sepulkro

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ang Santo Sepulkro -— may Kanyang simbahan
sa bayang San Pedro, Barangay Landayan
at noong Disyembre nang taong nagdaan -—
ito’y kinilalang isang national shrine!

Ang Santo Sepulkro’y ang patay na Kristo
nang mula sa krus ay ibinaba ito;
doo’y nagdarasal ang mga deboto
na ang pinagmula’y iba’t ibang dako!

Ang Santo Sepulkro’y Kristong nakahiga
pagka’t Siya’y patay na ginugunita;
sa maramng bayan at mga probins’ya
kung Mahal na Araw prusisyong mahaba!

Noon ngang Disyembre ng taong nagdaan
obispo at pari roo’y nagdatingan;
simbahan ng Santo ay benindisyunan
at ginawa itong dambanang pambayan

Matagal nang dapat ito ay ginawa
ng Inang-Simbahan sa buong Laguna;
dahil itong Santo ay mapaghimala’t
laging dinarayo ng mayama’t dukha!

Sa saganang isda at ani sa bukid
bayan ng San Pedro sa biyaya’y tigib;
ito’y utang natin sa Patrong kay bait
na nagpapakita ng Kanyang pag-ibig!

Dahil narito nga pambansang dambana
ang taga-San Pedro -— maging maunawa;
taga ibang lugar na namamanata
ay bigyan ng pansin -— igalang ang nasa!

At saka ang traffic ay dapat ayusin
lahat ng pasukan dapat paluwagin;
sasakya’t pedicab dapat ay re-routing
p’westo ng paninda’y dapat ilipat din!

Sa mga sasamba sa Santo Sepulkro,
huwag magkamaling gumawa ng palso;
Patrong nakahiga kahit patay Ito
ay baka bumangon at sipain kayo!

ANG SANTO SEPULKRO

ARAW

BARANGAY LANDAYAN

DAHIL

DISYEMBRE

KANYANG

PATRONG

SAN PEDRO

SANTO

SANTO SEPULKRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with