^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ibigay nang mas maaga ang NCAE

-
NOON ay NCEE ngayon naman ay NCAE o National Career Assessment Examination (NCAE). Nagkaroon ng NCAE noong Miyerkules at 1.8 milyong high school students sa buong bansa ang kumuha. Walang babagsak sa NCAE ayon sa mga DepEd officials. Layunin umano ng pagbibigay ng NCAE na magabayan ang estudyante sa kanilang pipiliing kurso sa kolehiyo. Ia-assess ang kaalaman ng mga bata kung saang subject sila nahihilig at kung nagpapakita ng interes. Dito matutulungan ang mag-aaral na makapagdesisyon sa kanilang kukunin batay sa sinagawang assessment exam.

Sa binuwag na NCEE noong dekada ‘70 ang mga hindi nakapasa ay hindi makakukuha ng anumang four-year course. Pang-vocational lang ang nararapat sa mga bagsak sa NCEE. Binuwag ang NCEE dahil sa maraming batikos.

Ngayon nga ay NCAE ang naisip ng Department of Education (DepEd) para matulungan ang mga estudyante na makita ang tamang landas patungo sa inaasam na tagumpay.

Maganda ang layunin ng DepEd sa pagbibigay ng NCAE. Makatutulong ito nang malaki sa mga bata pero mas maganda sana kung ibibigay ito nang mas maaga. Bakit hindi gawin kung nasa third year high school pa lamang ang mga estudyante para sa ganoon ay lubusan silang ma-assess sa kanilang pipiliing career. Kung nasa fourth year na ang estudyante, karamihan sa kanila ay nakakuha na ng entrance exam sa mga unibersidad. Kung nasa third year pa lamang ay uumpisahan nang bigyan ng NCAE ang mga estudyante tiyak na magkakaron nang magandang resulta ang lahat. Kapag nakita kung saang larangan mahusay ang estudyante dito siya hasain nang todo.

Halimbawa, kung isang estudyante ay nagpapakita ng interes sa numbers dito siya hasaing mabuti. Kung ang isang estudyante ay may interes sa fine arts, journalism, engineering o music, dito sila gabayan nang husto. Huwag ipakain sa kanila ang mga pagkaing hindi naman nila gusto at baka dumating ang araw na iluwa lamang nila ito. Maraming estudyante na kumuha lamang ng kurso sa kolehiyo dahil nakigaya lamang, napilitan o di kaya’y iyon ang ipinakukuha ng magulang. Hindi dapat ganito ang mangyari.

BAKIT

BINUWAG

DEPARTMENT OF EDUCATION

DITO

ESTUDYANTE

HALIMBAWA

KUNG

NATIONAL CAREER ASSESSMENT EXAMINATION

NCAE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with