^

PSN Opinyon

Mga lalaki dinadaig ng mga babae

- Al G. Pedroche -
NOONG araw, ang mga kababaihan, lalu na sa Pilipinas ay "pambahay" lang. "Taga" sa panahon. Taga-saing, taga-laba, taga-paglinis ng bahay, etcetera. Iba na ngayon ang trend. Kung ano ang nararating at nagagawa ni Adan, nagagawa at naaabot na rin ni Eva.

Ang Pangulo ng bansa ngayon na si Gloria Arroyo ay babae. Nauna sa kanya mahigit sampung taon na ang nakalilipas si Cory Aquino na naging Pangulo ng bansa.

Isa pang halimbawa si Atty. Agnes VST Devanadera na hepe ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC). Ehemplo siya ng makabagong "Eva" na sa talino at sipag ay posibleng higitan ang kanyang male counterparts. Responsable siya sa pagtataas sa antas ng legal service sa bansa. Ikinukonsidera siya ngayon bilang associate justice ng Korte Suprema.

Ang lawak na karanasan ni Devanadera ay di matatawaran. Naging consultant siya ng Philippine National Oil Co. - Energy Development Corporation at naglingkod din sa Local Government Academy sa pangangasiwa ng DILG bilang undersecretary for legal and legislative affairs.

Labing-anim na taon nang abogada si Devanadera bago pa man naitalaga sa kasalukuyang puwesto at naging Mayor din ng Sampalok, Quezon sa loob ng sampung taon. Iyan ang dahilan kung bakit nahirang siyang executive director ng LAKAS-NUCD-KAMPI. Dahil sa kanyang abilidad sa batas, malaki ang naitulong niya sa pagbuo ng mga strategies ng partido. Marahil, kaunti lang ang nakababatid na nanguna siya sa imbestigasyon sa mga kaso ng Anti-Illegal Drug Campaign at sa Oakwood mutiny.

Kaya di katakataka na siya’y nakapuwesto ngayon bilang hepe ng OGCC. At sa posibilidad na maitalaga siya sa Mataas na Hukuman, well, kung kredensyal at kakayahan ang pag-uusapan, walang dudang nararapat siya sa posisyon.

ANG PANGULO

CORY AQUINO

DEVANADERA

DRUG CAMPAIGN

ENERGY DEVELOPMENT CORPORATION

EVA

GLORIA ARROYO

KORTE SUPREMA

LOCAL GOVERNMENT ACADEMY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with