Kinukuwestiyon din ni Jinggoy na hindi na puwedeng magsilbi bilang diplomat si Davide dahil 70 years old na ito. Ang pagtutol ni Jinggoy ay pangalawang beses na nangyari kay Davide. Binara na rin noon ni Jinggoy ang appointment ni Davide bilang kinatawan ng Pilipinas sa UN.
Ang sagot ng Malacañang, hindi raw ilegal ang pag-aapoint at ang oathtaking ni Davide sa harap ni GMA sapagkat may bagong appointment na naman ito at isinumite na sa Commission on Appointments. Tungkol naman raw sa edad, wala raw nagpipigil sa karapatan ni GMA na pumili nang magsisilbing diplomat kahit na anong gulang pa siya.
Wow! Sino ang tatanggi kung ang isang retiradong Chief Justice ay magsilbing muli sa bansa lalo nat ito ang kakatawan sa Pilipinas sa UN. Dapat ipagkapuri ng mga Pilipino ang bagay na ito. Subalit, hindi ganito ang paniniwala ni Jinggoy kaya desidido siyang harangin ang appointment ni Davide.
Alam ko kung bakit ganito na lamang ang pagngingitngit ni Jinggoy kay Davide. Si Davide kasi ang nagpanumpa kay GMA makaraang mapatalsik si Erap noong January 2001.
Ganito katindi ang pulitika sa Pilipinas!