^

PSN Opinyon

Kung bakit tutol si Jinggoy kay Davide

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MAHIGPIT na tinutulan ni Sen. Jinggoy Estrada ang appointment ni Davide bilang embahador ng Pilipinas sa UN. Basta na lamang pinanumpa ito ni President GMA habang ginaganap ang Asean Summit sa Cebu City. Ipaaabot daw ni Jinggoy ang pagtutol sa UN dahil ilegal ang ginawa ni GMA.

Kinukuwestiyon din ni Jinggoy na hindi na puwedeng magsilbi bilang diplomat si Davide dahil 70 years old na ito. Ang pagtutol ni Jinggoy ay pangalawang beses na nangyari kay Davide. Binara na rin noon ni Jinggoy ang appointment ni Davide bilang kinatawan ng Pilipinas sa UN.

Ang sagot ng Malacañang, hindi raw ilegal ang pag-aapoint at ang oathtaking ni Davide sa harap ni GMA sapagkat may bagong appointment na naman ito at isinumite na sa Commission on Appointments. Tungkol naman raw sa edad, wala raw nagpipigil sa karapatan ni GMA na pumili nang magsisilbing diplomat kahit na anong gulang pa siya.

Wow! Sino ang tatanggi kung ang isang retiradong Chief Justice ay magsilbing muli sa bansa lalo na’t ito ang kakatawan sa Pilipinas sa UN. Dapat ipagkapuri ng mga Pilipino ang bagay na ito. Subalit, hindi ganito ang paniniwala ni Jinggoy kaya desidido siyang harangin ang appointment ni Davide.

Alam ko kung bakit ganito na lamang ang pagngingitngit ni Jinggoy kay Davide. Si Davide kasi ang nagpanumpa kay GMA makaraang mapatalsik si Erap noong January 2001.

Ganito katindi ang pulitika sa Pilipinas!

vuukle comment

ALAM

ASEAN SUMMIT

BINARA

CEBU CITY

CHIEF JUSTICE

DAVIDE

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

PILIPINAS

SI DAVIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with