Quid pro quo
January 17, 2007 | 12:00am
ANG argumento laban sa pagtalaga ng mga retiradong Supreme Court Justice sa sensitibong posisyon sa pamahalaan ay dahil napaghihinalaan ang kanilang pagpapasya. "Presidential appointment" ba ang pabuya sa kanilang paborableng desisyon sa mga importanteng kasong kasangkot ang Pangulo at kanyang mga kaalyado? QUID PRO QUO. Sa Tagalog: KALIWAAN. Upang maiwasan ang duda, huwag na sanang ipilit pa sa tao matapos ang serbisyo.
Tingnan ang nangyari sa pagsumpa ni Hilario Davide, Jr. noong Linggo bilang Philippine Ambassador to the United Nations. Bago rito, si Davide ay dalawang beses nang nominado ng Malacañang sa posisyon. Dalawang beses na ring hindi pinansin ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang nominasyon.
Bilang dating Chief Justice, alam ni Davide ang mga batas na nasalaula sa kanyang pagsumpa. Sa Konstitusyon, ang pagtalaga ng ambassador ay kinakailangan ng kumpirmasyon ng CA bago magkabisa. Kung kulang ito, walang batayan upang makapanumpa sa posisyon. Naintindihan naman ito nung umpisa kayat naghintay si Davide. Isa, dalawang nominasyon. Nang di lumusot, hindi na rin nakapaghintay. Pilit ba namang nanumpa kahit hindi pa kumpirmado! Sa Foreign Service Act, kapag 70 na ang tanda, hindi na ito dapat i-appoint pa ng Pangulo. Si Davide ay 71 yrs old. Papalitan niya si Ambassador Lauro Baja na dapat sanay sa 2009 pa matatapos ang termino.
Wala kailanman sa kasaysayan ng foreign service na may nangahas manumpa sa katungkulan bago basbasan ng ating mga kinatawan sa CA. Kakaiba talaga si Davide.
Ika ni Senador Pimentel, seat mate ni Davide sa ERAP impeachment trial: Kung kakayanan lang ang pag-uusapan, mayroon naman si Davide. Subalit wala na ba ngayong delikadeza? Sa pagkaalam niya ngayon lang nangyari na nag-assume na ng posisyon ang isang walang basbas. Hasus. Nangyari na to. Every three years nga. EDSA 2001. CEBU 2004. At ngayon, CEBU 2007. Gloria and Hilario, Hilario and Gloria. QUID PRO QUO.
HILARIO DAVIDE, JR. GRADE: 33

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended