Paboritong dibdiban ang mga pobreng vendors na hangad lamang ay kumayod sa malinis na paraan upang may maipakain sa kanilang pamilya. Ang mga pananakit na ito ay ginagawa nila sa napakaliit na dahilan kagaya na lang ng ginawa kay Etong na inuna lamang ang isang matandang uhaw na uhaw na at bumibili ng isang basong buko juice noong pista ni Senyor Jesus Nazareno sa Quiapo.
Ikinagalit ito ng isang opisyal ng pulis dahil pinaghintay ang kanyang bataan at nilapitan ang pobreng vendor at saka dinibdiban. Binalaan na sa susunod ay ang kailangan nila ang dapat unahin.
Mga grupo ng pulis din na galing sa dalawang station na nakakasakop sa mga lugar na iyan ay mahilig ding ipagtulukan ang mga maliliit na vendors na animoy mga basura.
Ilan sa mga vendors na ito ang nakausap ko ng personal habang patuloy akong umiikot sa Maynila at marami sa kanila ang matindi na talaga ang galit na kinikimkim sa kanilang puso. Hindi raw nila inilalagay ang batas sa kanilang kamay dahil mayroon silang pamilya.
Nagpupuyos sila sa galit at hindi ako magtataka kung bukas makalawa ay merong maghuramentado at pagtatagain ang mga super abusadong ilang pulis na nakadestino sa portion ng Avenida na ngayon ay ginawa ng walking street.
Iisa ang sinasabi nila, nagbibigay na sila ultimo sa mga pulis na halata namang hindi na naka-assign na sa naturang lugar, pero bakit kailangan pa silang saktan.
Hinihingian na, ginagatasan na, sinasaktan pa at binababoy ang mga kababayan nating mga ito na nais lamang ay magkaroon ng malinis na trabaho. Wala nang konsiyensya ang mga pulis na ito na sinusumpa ng lahat ng mga vendors na nakausap ko. Sa mga pulis na ito, matakot kayo sa karma, huwag sana kayong magkasakit nang malala na uubos ng ninakaw nyo o di kayay magkasakit ang anak at apo nyo. Matakot kayo sa karma o gaba.
Noong una ay atubili akong magpunta dahil nalulungkot ako tuwing maaalala ang ginawang pang-aapi sa akin ng Malakanyang ilang taon na ang nakaraan kung saan pilit akong inalis bilang pinuno ng naturang opisina kahit na may termino pa ako.
Nakasaad kasi sa Charter ng naturang opisina na anim na taon ang termino ng isang general manager na hihirangin ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ho ang nag-appoint sa akin noong November 7, 2000 kaya ang termino ko dapat ay natapos noong nakaraang taon lamang.
Nagkaroon ng konting kaguluhan sa opisina dahil ipinaglaban ako ng mas nakakaraming mga empleyado ng naturang opisina at nagsampa ako ng kaso na hanggang sa araw na ito ay nakapending sa Korte Suprema pero sabi nga ni President Erap, weather weather lang iyan kaya heto balik ako sa media, ang first love at tunay kong trabaho.
Tuwing makikita ko ang mga empleyado ng PTA ay iniiwasan ko rin sa pag-aalalang intrigahin sila at ipatapon sa malayong lugar para mailayo sa kanilang pamilya.
Noong Sabado, hindi ko maaaring hindi paunlakan ang imbitasyon ni Chairman Jun, isang kaibigan kaya punta na rin ako pero laking gulat ko sa mainit na mainit na pagtanggap ng mga dati kong mga kasamahan sa PTA na nasa Club Intramuros.
Marami sa kanila niyakap ako nang niyakap at ipinakita ang kanilang pagmamahal kahit nangantiyaw ako na baka sila ma-assign sa malayo. Nalaman ko rin na hinintay ako ng karamihan sa kanila nang malamang isa ako sa bisita ni Chairman Jun. Tunay na nakatataba ng puso ang ginawa nilang pagtanggap sa akin. Kakaibang pakiramdam na nagturo sa akin na masarap ang mahalin kaysa katakutan.
Sa iyo kaibigang Jun Tapang, maraming salamat sa pagbibigay mo ng pagkakataong ito para sa akin. Sa lahat ng mga dati kong mga kasama sa PTA, lagi kayong parte ng aking buhay at kailanman ay ipagmamalaki ko na isa sa pinakamasayang yugto ng aking buhay ay ang kapiling namin kayo.
Sa mga opisyal naman ng gobyerno, kahit anong sangay, kahit anong opisina, tandaan nyo mas masarap na kayoy minamahal kesa kinatatakutan dahil hindi lahat ng araw ay inyo. Uulitin ko ang paboritong kantiyaw ni dating Pangulong Erap, "weather weather lang."