^

PSN Opinyon

Southern Metro illegal gambling open na open!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA Saturday, February 3, 2007 at 1:00 p.m., isang public installation ng Laong-Laan Lodge 185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines sa Capitol Masonic Temple sa Quezon City ang gagawin sa kanilang new sets of officers ngayong 2007-2008.

Ang bagong uupo sa East ay si WB Sonny E. Regala, SW Daniel E. Gutierrez, JW Rector P. Ramos, Treasurer WB Generoso R. Cortez, PM, Secretary Rey Camilo B. Dumlao, Auditor WB Johney T. Flaviano, PM, Chaplain Allan J. Sanchez, Marshall Eduardo S. Ramos, SD Albert S. Encarnacion, JD Angelo A. Almazan, Almoner Ricardo A. Sy, Lecturer Manny Caidic, Historian VW Noe A. dela Cerna, PJGL, Orator Diosdado Azarcon, Organist Belindo R. Felicitas, SS Butch M. Quejada, J Blas Antonio O. Tuliao, at WB Silverio R. Garing, Tyler.

Ang mga ito ang binuburo, este mali, binubuo pala ng mga bagong officials ng LAONG-LAAN Lodge 185. Si VW Emilio Andrion, PDDGM, ang guest speaker ng loya!

Ang isyu, dehins pala nagsara ang sugalan dayaan sa Southern Metro tuloy, tuloy pala ito at dehins pinahinto gaya ng sabi ng isang asset sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Limpak-limpak na pitsa pala ang tinatanggap ng mga bugok diyan sa Southern Metro kaya pati ang Chief Kuwago ay naniniwala na may parating sa office ni Boy C? Sabi nga, how much?

Ang mga kamoteng bagman pala nina Boy C, Red garapata at isang prandes ay sina Elmer, Nepomuceno at Constantino. Hayop kayo, pinaikot ninyo ang mga kuwago ng ORA MISMO, dehins lang isa ang asset nito madamo. Kamote kayo!

Sagana pala ang mga sugarol diyan sa Southern Metro mamimili lamang ng klase ng dayaan sugalan kung ano ang hilig ng mga tekamots at presto!

Saklaan, peryahan at jueteng ang gumagana diyan sa teritoryo ni SPD bossing Roberto Rosales. Sina Fredy, Bob, Girlie, Poyong, Walter, Caloy, Louie, Linda, Felix, Apeng at Vidas ang grupo ng mga mandaraya, este mananakla pala diyan sa kaharian ni Rosales.

Sina Len, Aguado, Rene, Ocampo, Neneth, April, Chito, Arman, Joy, Philip, Tonying, Josie, Carding, Vergel, Boy demon, Aruado at Aguila ang grupo nito ay naka-concentrate sa numbers game. Sabi nga, jueteng!

Sa sugalan carnaval ang mga gagong sina Saya, Dan, Alona, Egay, Popo, Marina at kapungkol ang mga ito ay humahawak ng peryahan diyan sa Southern Metro.

"Akala ko ba tumigil ang sugalan dayaan diyan sa Southern Metro?" tanong ng kuwagong urot.

"Pakana lang nila ang info," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano ang maganda?"

"Huwag silang tantanan kamote!"

vuukle comment

ALBERT S

ALMONER RICARDO A

ANGELO A

BOY C

BUTCH M

CAPITOL MASONIC TEMPLE

CHAPLAIN ALLAN J

SOUTHERN METRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with