Sa salaysay ni Rhea, isa siyang aktibong kasapi ng Youth Redeemed and Empowered to make a Difference (YRED) ng kanilang religious group na tumutulong sa mas lalo pa nating mga mahihirap na mga kababayan, partikular ang mga kabataan sa mga liblib na lugar ng Mindanao.
Sa pangunguna ng kanilang pastora na si Gng. Glenda Pascual, naibahagi sa akin ni Rhea na tuwing Linggo ay umaabot sa 40-50 bata ang kanilang tinutulungan na magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos at matulungan silang mahubog na maging mga responsableng mamamayan.
Ang kanilang ginagawa, sabihin pa, ay libre at ginagabayan lamang voluntary spirit at pagnanais na maging isa sa mga instrumento ng positibong pagbabago sa kanilang mga kababayan lalo pa nga ang mga kabataan.
Para kay Rhea at mga kasamahan niyang volunteer, mabuhay kayo! Naway patuloy na kasihan ng ating Panginoong ang inyong napakagandang gawain!
Maraming salamat sa iyong pagliham.