^

PSN Opinyon

Kapuri-puring gawain

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NOONG bago mag-Christmas, natanggap ko ang e-mail ni Ms. Rhea Amor S. Chavez, masscom student ng Notre Dame University, North Cotabato.

Sa salaysay ni Rhea, isa siyang aktibong kasapi ng Youth Redeemed and Empowered to make a Difference (YRED) ng kanilang religious group na tumutulong sa mas lalo pa nating mga mahihirap na mga kababayan, partikular ang mga kabataan sa mga liblib na lugar ng Mindanao.

Sa pangunguna ng kanilang pastora na si Gng. Glenda Pascual, naibahagi sa akin ni Rhea na tuwing Linggo ay umaabot sa 40-50 bata ang kanilang tinutulungan na magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos at matulungan silang mahubog na maging mga responsableng mamamayan.

Ang kanilang ginagawa, sabihin pa, ay libre at ginagabayan lamang voluntary spirit at pagnanais na maging isa sa mga instrumento ng positibong pagbabago sa kanilang mga kababayan lalo pa nga ang mga kabataan.

Para kay Rhea at mga kasamahan niyang volunteer, mabuhay kayo! Nawa’y patuloy na kasihan ng ating Panginoong ang inyong napakagandang gawain!

Maraming salamat sa iyong pagliham.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o sumulat sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ANG DOKTORA NG MASA

GLENDA PASCUAL

MS. RHEA AMOR S

NORTH COTABATO

NOTRE DAME UNIVERSITY

PASAY CITY

SENATE OF THE PHILIPPINES

YOUTH REDEEMED AND EMPOWERED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with