Ehemplo ang pinaka-malalang lindol sa kasaysayan ng Australia, nung Dec. 28, 1989 sa Newcasfle, New South Wales. Labing-tatlong tao ang nasawi, $3.5 bilyon ang nawasak sa magnitude 5.6 earthquake. Sanhi yon ng 200 taon na pagmimina ng coal, na lubhang nagbago ng bigat ng lupa at pagkakalatag ng tectonic plates. Hindi lang milyong tonelada ng coal ang hinakot mula sa mina, kundi pati underground water na sinipsip para hindi bahain ang mga tunnel. Sa bawat tonelada ng coal, 4.3 tonelada ng tubig ang inalis. Sa huli, mas malaking halaga ang nagiba kaysa kinita sa dalawang siglo ng pagmimina.
Hindi ito ang unang man-made earth disaster dahil sa pagmimina. Minsan, nangingisda sa lawa ang mga Amerikano nang biglang nawala ang tubig at lumapag ang mga bangka sa lakebed. Yun pala, nabutas ang ilalim ng lawa at bumulwak ang tubig patungo sa karatig na minahan. Parang lababo na tinanggalan ng drain plug ang nangyari.
Halos kalahati ng lindol na gawa ng tao, ayon kay Klose, ay buhat sa pagmimina. Isa sa bawat tatlo naman ay sa paggawa ng malalaking dams na nauso nung matapos ang World War II. Yung iba naman ay dala ng paghigop ng langis at gas mula sa ilalim ng lupa o dagat.
Tatlo sa pinaka-malalakas na lindol-tao ay naganap sunud-sunod sa Gazki natural gas region sa Uzbekistan sa pagitan ng 1976 hanggang 1984. Bawat isa ay may magnitude na 6.8 pagyanig kung saan nagsisimulang gumuho ang mga gusali at istrukturang gawa rin ng tao. Ang pinaka-matindi sa tatlo ay 7.3.
Pinagmamalaki ng China ang paggawa ng Three Gorges Dam kung saan milyong ektarya ang sinakop. Anong klaseng lindol kaya ang....