^

PSN Opinyon

Hulog ng langit

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
KAKAIBA talaga itong si "Hulog ng Langit" Mark Jimenez at todo tanggi ngayon na may $14 million na pinamigay ang IMPSA ng Argentina kahit na never niya kinontra ito noong araw na dinidiin ito ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada na never pumayag sa government guarantee na hinihingi ng naturang kompanya.

Sinasabi niya na tanging si dating Justice Secretary Hernando "Nani" Perez, unang justice secretary ni Madam Senyora Donya Gloria, ang tumanggap ng suhol mula rito at nagkakahalaga lamang ito ng $2 million.

Pinalalabas niya na ang corruption sa naturang kaso ay hindi lumampas kay Perez pero bakit naman pinirmahan agad ang naturang kontrata ni Madam Senyora Donya Gloria wala pang isang linggo siyang naluklok sa Malacañang.

Ganoon ba kabilib si Madam Senyora Donya Gloria kay Perez na magulo at mabuway pa ang administrasyon ay pipirma na siya ng ganitong kontrata na magbibigay pa ng garantisadong kita sa isang independent power producer na dahilan ng pagtaas ng presyo ng elektrisidad.

Ngayon kung talaga namang super bilib siya eh bakit naman pilit tinatago ng ilan niyang mga alipores kasama na ng kasalukuyang Justice Secretary Raul Gonzalez at dating Ombudsman Simeon Marcelo ang ilang mahahalagang papeles kagaya ng mga patunay ng international banking institutions na naalarma sa malaking halaga ng salaping nagpapalipat-lipat upang finally itago mula pa sa Switzerland.

Huling na trace ito ng grupo ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa Coots Bank sa Hong Kong kung saan may deposit din si Ginoong Jose Pidal. Of course, medyo nilipat na naman yata ito at mukhang kasama nagliliwaliw ng mga dolyar, euros at iba pang currencies na siyempre naman galing sa pesos natin.

Buong akala yata nitong si Hulog ng Langit na tanga ang sambayanang Pilipino lalo na ang masang Pilipino. Masyado namang mababa ang tingin niya sa masa na inaakala niyang masusuhulan niya sa pamamagitan ng ilang pirasong manok.

Ang mas dapat sana niyang gawin ay magbago na dahil nabigyan siya ng panibagong pagkakataon makatapos siyang palayain sa US. Dapat niyang tigilan ang walang tigil na panlilinlang at panunuhol sa sambayanan.

Mahirap lamang po ang karamihan pero hindi po mangmang at utu-uto ang masang Pilipino. Naghihintay lamang po ng muling pagkakataon ang masa upang patunayan na dapat tigilan na ang pambababoy sa kanila lalo na ngayong taon ng baboy sa bansang patuloy na binababoy ng mga pulitikong nagpapatabang parang mga baboy. Siyanga pala si Madam Senyora Donya Gloria ay born under the year of the PIG.

Singit ko nga rin pala sa mga tumanggap ng manok noong Piyesta ng Quiapo, mukhang nadidal kayo at nabukulan ng mga pulitikong pinag-distribute at kaalyado ni MJ dahil meron akong ilang kilala na may kalakip pang P1,000 samantalang karamihan ay wala. Hindi naman siguro kinain ng lutong manok ang P1,000.

Anyway, kay Ginoong Jimenez, sabihin ang katotohanan tungkol sa IMPSA deal bago matuluyan kang IHULOG NG LANGIT gaya ni Lucifer na siyang tunay na hinulog ng langit dahil sa kasamaan.
* * *
Iba talaga ang natutuklasan ko araw-araw sa pag-iikot sa ikatlong distrito ng Maynila. Noong Miyerkules ng gabi ay pumunta ako sa birthday party ni Kagawad Rodel Ortiz kasabay ni dating Congressman Harry Angping at tunay na Congresswoman Naida Angping.

Ginawa ito sa Panulukan, isang kainan na literal na located sa panulukan ng Quiricada at Oroquieta sa Sta. Cruz, Manila. Kakaiba ho ang lugar at tunay na gulat ako dahil never kong inasahan may ganoong lugar diyan na masarap mag-unwind. Magaling ang banda, maraming halaman sa paligid at native ang dating bukod pa sa malamig sa paningin at maaayos ang ibang pumapasok.

Ang pagkain nga pala, super sarap. Subukan n’yo ang pansit nila at crispy pata pero huwag n’yo rin kalimutan ang fried chicken na may konting anghang pero iba talaga ang dating. Ang presyo, paniwalaan n’yo ako, affordable at kung ikukumpara sa ibang watering hole at kainan sa Manila ay tiyak na mas mura.

Ang mga waiters naman at mga empleyado, puro out of school youth na binigyan ng trabaho sa kundisyong mag-aaral sila sa umaga habang nagtatrabaho naman sila sa gabi. Noble policy na dapat gayahin ng karamihang negosyante.

Kami naman po, babalik sa Biyernes ng gabi kung saan may ilan akong kaibigan na sasamahan.

Siyanga pala, sa mga mahihilig sa art, may permanent painting exhibit din sa lugar ng Ilokano painter at super talented na si Sherwin Butac.
* * *
Diskaril ang senatorial line up ng administrasyon at karamihan sa mga sinasabing tatakbo sa naturang ticket ay umaatras o umiiwas. Alam nila na Kiss of Death ang masama sa grupo ni Madam Senyora Donya Gloria.

Kung saka-sakali, paghihiganti ito ng masa na dapat ngayong mamili ng karapat-dapat na lider na mamumuno sa atin at ipagtatanggol ang karapatan at kapakanan ng sambayanang Pilipino.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

vuukle comment

CONGRESSMAN HARRY ANGPING

CONGRESSWOMAN NAIDA ANGPING

COOTS BANK

GINOONG JIMENEZ

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NAMAN

PEREZ

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with