Nakatali tayo sa Amerika

DETROIT, MICHIGAN – Aminin o hindi, may commitment tayo sa Amerika na hindi dapat baliin. Nang tutulan ng Korte ang apela ng US na ilagay sa custody nito ang rape convict na si Marine Cpl. Smith, walang gatol na inihayag ng Amerika na suspendido ang US-RP Joint military exercise o Balikatan.

Naramdaman ng administrasyon ang namumuong galit ng US kaya kusa nang nagdesisyon na ilagay sa kustodiya ng US embassy si Smith habang wala pang aksyon ang Korte sa mosyon para baligtarin ang naunang hatol na makulong ng habambuhay si Smith.

Mitsa naman ito para gatungan ang dati nang galit ng mga kontra-GMA. Pero natuwa ang US at idineklarang tuloy na ang ‘‘Balikatan."

Ang dilemma ay ito: Habang pinangangalagaan ng administrasyon ang relasyon sa US nagdudulot naman ito ng internal conflict sa bansa. Masamang indikasyon ito na sa 2007 tuluy-tuloy pa rin ang krisis-pampulitika…  na hadlang sa pag-usad ng bansa.

Ano pa kayang malalaking problema ang hahadlang sa pag-unlad ng bansa? Sasabihin ng mga anti-GMA: ‘‘Si Gloria ang problema na dapat alisin!’’

Ang tanong, ano ang garantiyang uunlad ang bansa kapag nangyari ito?

Show comments