^

PSN Opinyon

‘Kambal na traydor...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
WALANG malaki na nakakapuwing pero sa kasong ito ay ang kalaban ng biktima na higit na malaki sa kanya. Hindi lamang siya puwing kundi mas malaking pinsala ang idinulot sa kanya.

Ito ang istorya ng pagkakaibigan, pagtitiwala, pagmamagandang loob subalit ang isinukli ay pantatraydor.

Nagsadya sa aming tanggapan si Baltazar Patron ng Manila upang humingi ng tulong na madakip ang mga suspek sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Rico Patron.

Active na sundalo ng Philippine Air Force ang biktima. Mabait, maasahan at higit sa lahat ay magaling makisama sa kanyang kapwa. Dahil sa likas ring matulungin, ang isa sa mga suspek na si Jhon Gutierrez ay lumapit sa kanya upang humingi ng pabor na siya ay makabalik sa serbisyo na bagay na hindi naman tinanggihan ni Rico.

AWOL si Jhon sa kanyang serbisyo dahil balitang nagpaputok ito ng baril kaya hiniling nito kay Rico na tulungan siyang makabalik. Pinakiusapan naman ni Rico ang mga kilalang matataas na opisyal na bigyan muli ng pagkakataon si Jhon na makabalik sapagkat hindi naman iba ito sa kanilang pamilya.

Sa tulong ni Rico, nakabalik sa serbisyo si Jhon subalit nung araw na dapat ay magreport na ito, hindi niya ito sinipot. Dahil dito, si Rico ang pinagalitan ng mga opisyal ng Philippine Air Force.

"Nagalit ang kapatid ko sa ginawang pambabalewala ni Jhon sa ginawang pabor para sa kanya. Dito na nag-umpisa ang kanilang alitan hanggang sa mapangalawahan pa ang kanilang di-pagkakaunawaan," sabi ni Baltazar.

Magmula noon ay hindi na gaanong ikinibo pa ni Rico si Jhon hanggang sa nais na isanla ng huli ang titulo ng lupang kinatatayuan nila subalit hindi naman pumayag ang una.

Ayon kay Baltazar, naisanla na ang lupang iyon subalit ito’y tinubos ng kanyang kapatid. Hindi ibinigay ni Rico ang titulo ng lupa dahil sa pangambang baka hindi na ito matubos pa lalo pa at iisang titulo lamang ang kabuuan ng lupang kanilang kinatitirikan. Dito na nagsimula ang hindi pagkikibuan ng dalawa.

Ika-19 ng Enero 2003 sa Brgy. Pinagtun-ulan, San Jose, Batangas naganap ang insidente. Nung hapon na ‘yon ay may kasiyahan sa bahay ng isa nilang kaanak. Isa sa mga bisita doon ay si Rico. Habang nagkakaroon ng kasiyahan, pabalik-balik si Nilo Gutierrez na umaaligid sa nasabing lugar lulan ng motor bike

"Hindi naman alam ng kapatid ko na siya pala ang minamanmanan nitong si Nilo. Na may mga plano na pala silang magkakapatid laban kay Rico," pahayag ni Baltazar.

Samantala umuwi si Rico sa kanilang bahay na lasing na lasing. Nang makapasok na ito sa loob ng kanilang bakuran, narinig niyang may nag-iinuman din sa katabing bahay nila, ang mga Gutierrez. Magkakasamang nag-iinuman ang magkakapatid na Nilo, Edwin, Jhon at isang barkada nila. Bigla na lamang daw may nagsabing ‘Ang liit-liit mo akala mo kung sino ka!’ Sa mga katagang ito, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at grupo ng suspek.

Naawat naman ang pagtatalo dahil sa pakiusap ng asawa, si Vinia at ina ni Rico, si Eduarda at sa tulong na rin ng isa pang kagawad. Pumasok na rin noon si Rico para matulog subalit ang magkakapatid namang Gutierrez ay nagplano laban sa biktma. Nagpapahinga na noon ang biktima ng bigla na lamang nitong narinig ang sigaw at mura ni Jhon na pilit siyang pinapalabas ng bahay.

Hindi naman naawat ng asawa at ina nito na hayaan na lang ito subalit nilabas pa rin ito ni Rico. Ang hindi niya alam nakaabang na noon si Robel sa pintuan ng kanilang bahay. Nang buksan niya ito, sinalubong na siya ng saksak. Pagkatapos ay agad namang pinuntahan ni Jhon ang kapatid nitong si Robel upang tumulong sa pananaksak sa biktima.

Susubukan sana nina Vinia at Eduarda na mamagitan subalit natakot ang mga ito sapagkat akmang sila naman ang sasaktan ng mga ito.

Matapos ang ginawang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek mula sa pinangyarihan. Samantala nagsampa ng kasong murder ang pamilya ni Rico laban sa mga suspek subalit hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ang mga ito. Hangad nilang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Rico.

IISANG PUNO MULA SA DALAWANG UGAT NAGBUNGA NG KAMBAL NA TRAYDOR ITO AY SINA ROBEL AT JHON GUTIERREZ.

Para sa anumang impormasyon na makapagbibigay-alam sa kinaroroonan ng mga suspek maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.
* * *
E-mail address: [email protected]

vuukle comment

BALTAZAR

JHON

NAMAN

PHILIPPINE AIR FORCE

RICO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with