^

PSN Opinyon

Kapangyarihang walang karapatan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
ANG maingat na paghihiwalay ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong kagawaran (Executive, Legislative at Judiciary) ay pag-iwas sa abuso. Ang pag-iipon ng kapangyarihan sa kamay ng iilang huwes o sa iisang Pangulo ay walang pinagkaiba sa isang diktadurya. Sa isang republikano at demokratikong bansa, ang Kongreso ang dapat mamayani dahil ito ang pinakamalapit sa tao -— lahat ay halal ni Juan de la Cruz.

Itong "separation of powers" kung tawagin ay mayroon namang kalakip na prinsipyong "check and balance" nang hindi masalaula ang kanya-kanyang teritoryo. Sa pagitan ng Pangulo at Kongreso, kung ang Malacañang ay may veto power sa mga batas, ang Kongreso nama’y may confirmation power sa mga appointment. Mahalaga ang confirmation power, sa pamamagitan ng Commission on Appointments (CA), dahil dito nakikilala ng bayan ang mga pinili ni GMA na Cabinet secretary, heneral at iba pang opisyal. Kapag aprubado ka ng CA, para na ring aprubado ka ng taumbayan.

Kapag hindi ka naman aprubado ng CA, para na ring hindi aprub sa iyo ang taumbayan. Para kang humawak ng halal na puwesto na hindi naman ikaw ang nanalo. Ano bale ang karapatan mong humawak ng kapangyarihan o gumawa ng desisyong makaaapekto sa buhay ko?


Isang tingin sa listahan ng mga kontrobersyal na hakbangin ng pamahalaan at makikita na pawang mga walang basbas ng bayan ang mga may pakulo nito. E.O. 464, Proclamation 1017, Calibrated Pre-emptive Response Policy, Transfer of Custody ni Smith — pare-parehong pangalan: Raul Gonzales, Ronaldo Puno, Angelo Reyes. Ang tatagal nang nanunungkulan subalit hanggang ngayon ay wala pang basbas ng CA. Saang bahagi kaya ng mundo nakahanap ng lakas ng loob, tibay ng dibdib, lalim ng sikmura at kapal ng mukha ang mga ito upang magdidikta kay Juan de la Cruz nang ano ang bawal? Saan pa . . . eh, di sa Malacañang.

ANGELO REYES

CALIBRATED PRE

CRUZ

KAPAG

KONGRESO

MALACA

PANGULO

RAUL GONZALES

RESPONSE POLICY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with