^

PSN Opinyon

Mga ni-rescue ng BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MARAMING uri ng rescue operations na ginawa ng BITAG, at bawat rescue operations ay may iba’t ibang mukha, iba’t iba ang istilo pero iisa ang solusyon, ito ay ang matulungan ang humihingi ng saklolo.

Unang rescue operation na ginawa ng BITAG ang rescue sa Zambales sa dalawang batang ipinaalaga lamang sa mga guardian at makalipas ang limang taon kinukuha na ng tunay ng magulang subalit nagkakaroon ng problema dahil lumalabas ngayon yung bata ay pinatutubos sa tunay na magulang sa halagang nais nito.

Pangalawang rescue operation ng BITAG ang pagsagip sa dalawang taong gulang na bata matapos dukutin ng sariling ama at gawing hostage, gagamiting kasangkapan bilang panakot sa asawa upang mabalik at makipagbalikan sa kanya.

Sumunod ang rescue operation sa Tagaytay City, kung saan tinangay ng isang tomboy ang isang menor-de-edad na Canadian Citizen. Bagamat willing victim itong masasabi dahil sumama ito sa tumangay sa kanya, sinagip pa rin ito ng BITAG, Tagaytay Police at DSWD.

Ang huling pagsagip ng ginawa ng BITAG ay sa isang OFW na nasa Kuwait. Sa unang tingin mahirap dahil unang-una dadaan ka sa proseso, at nasa malayong lugar ang taong sasagipin, subalit ang ginawa ng BITAG, simple lang dahil sumentro kami sa mismong nagpadala sa kanya, ang recruitment agency at dito matagumpay naming napauwi ang kawawang biktima.

Abangan ang aktuwal na komprontasyon at ang mga maiinit o makapigil hiningang eksena sa pagsagip sa mga biktima, sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga suspect, ngayong Sabado na sa ‘‘BITAG RESCUE OPERATIONS SPECIAL’’, sa IBC-13 dakong alas-9:00 ng gabi.

ABANGAN

BAGAMAT

BITAG

CANADIAN CITIZEN

PANGALAWANG

RESCUE

SABADO

SUMUNOD

TAGAYTAY CITY

TAGAYTAY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with