Nakumpiskang pirated DVDs/ CDs pinaghati-hatian ng mga taga-DPIU?
January 10, 2007 | 12:00am
SALUDO na sana ang mamamayan ng Maynila ng kanilang masaksihan ang pagsalakay ng District Police Intelligence Unit (DPIU) ng Manila Police District (MPD) sa mga pinaghihinalaang lungga ng pirated DVDs/CDs sa Quiapo, Manila noong Lunes ng umaga. He-he-he! Nasorpresa ang ilang mamamayan nang biglang magbabaan ang mga pulis hawak ang mahahabang baril at pinasok ang dating Barter Center sa Tugaya Alley, Elizondo at Arlegui, Quiapo, Manila.
Ang pagsalakay ng mga operatiba ng DPIU ay binak-apan pa ng Special Weapon and Tactics (SWAT) dahil ang naturang lugar ay pinaniniwalaang pinagtataguan din ng mga hinihinalang kriminal.
At dahil sa legal ang pagsalakay ng mga pulis sa naturang mga establisimiyento, naiwasan ang pagdanak ng dugo. Itoy dahil sa magandang pamumuno ni Sr. Insp. Baltazar Beran, hepe ng DPIU-MPD.
Sa pagsalakay, nakasamsam ang mga tauhan ni Beran ng may walong Replicating Machine at libu-libong pirated DVDs/CDs na ang karamihan ay mga bold at mga bagong pelikula.
Ang mga nasamsam na DVDs/CDs ay inilagay sa mga karton at isinakay sa tatlong pampasaherong jeepney at agad namang dinala sa MPD headquarters upang gawing ebidensiya sa kasong isasampa sa korte.
May apat na kalalakihan din ang dinala sa opisina ni Beran na nakilalang sina Boy Delos Reyes, Albert Pablo, Jason Ocampo at Jimmy Balani. Ang apat umano ang responsable sa pagba-burn ng mga DVDs/CDs. He-he-he! Nakaiskor ang mga pulis dahil pawang positibo umano ang mga ito sa pagpakalat ng mga pirated sa Kamaynilaan.
Nagbunga rin ang matiyagang pagmamanman ng mga tauhan ni Beran ay ilang beses na test-buy operation na isinagawa kung kaya nakakuha sila ng Search Warrant kay Judge Augusto Gutierrez, ng Manila Regional Trial Court, Branch 47 kaya lahat ng kanilang ikinilos ay legal sa batas. Get nyo mga suki?
Subalit ang ipinagtataka ng mga Manilen-yo ay kung bakit ang halos karamihan sa mga nakumpiskang DVDs/CDs ay pinamudmod sa mga pulis at mga mamamahayag ng Manilas Finest. Ang dapat umano sa mga nakumpiska ay nakalagak sa bodega ng MPD upang masusing pag-iingatan dahil ang mga itoy mahalaga sa korte.
Kitang-kita kasi ng ilang kababayan na sa halip na dalhin ang mga nakumpiskang DVDs/CDs sa bodega ay mismong sa kalsada palamang ay hinahakot na ang karton kartong DVDs/CDs ng ilang pulis na kabilang sa sumalakay sa Quiapo, he-he-he! Nakita kasi ng ilang mamamayan ang dalawang pulis na nakasakay sa jeep ang bumaba at binuhat ang ilang karton ng mga pirated DVDs/CDs at isinakay sa isang nakabuntot na kulay asul na pick-up sa gilid mismo ng MPD Headquarters sa tapat ng SWAT sa kahabaan ng San Marcelino St.
Kawawa naman ang kaibigan kong si Acting Director Sr. Supt. Danilo Abarzosa na walang kaalam-alam sa ginagawa ng ilan niyang pulis. Ang pagkaaalam ni Abarzosa ay maganda ang naging resulta ng operation. Iyon pala pagpaparte-partehan lang. Get mo Sir?
Sa ganitong pangyayari, nais kung tawagan itong aking kaibi- gan na agarang guma-wa ng hakbang at paimbestigahan ang pangyayari. Ipaimbentaryo mo Sir ang lahat ng nasamsam na mga items para makita mo na marami nga ang nawawala, he-he-he! Panahon na Sir para tuldukan ang kalokohan ng ilan mong mga tauhan at nang maging malinis ang iyong bakuran.
Abangan mga suki!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am