^

PSN Opinyon

Bakit si Erap na naman?

DOCTORA NG MASA - DOCTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
MINSAN ay hindi ko na malaman kung maiinis o magugulat sa "bisyo" ng Malacañang na ilipat ang sisi sa ibang tao sa tuwing sumasabog ang isang problema o isyu na sila na rin naman ang may kagagawan.

Katulad na lamang ng ginawang paninisi ng mga tauhan ni Mrs. Arroyo kay President Erap sa kaso ni US Marine Lance Cpl. Daniel Smith. Ang buod ng posisyon ng Palasyo ay ito: Si Erap ang dapat sisihin dahil sa panahon niya nabuo at nalagdaan ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Napilitan akong magkumento sa bagay na ito dahil panahon na marahil upang magising ang mga nasa Malacañang sa katotohanan na sila na ang nasa poder ng kapangyarihan at hindi si Erap at bukod pa nga rin sa katotohanan na sa nakaraang anim na taon, walang ibang "punching bag" ang administrasyon kundi si Erap.

Sa isyu ng VFA, sino ba ang nagpapatupad nito, hindi ba ang mga kasalukuyang nasa kapangyarihan?

At kung ngayon na patuloy pa ring umaani ng batikos si Gng. Arroyo at kanyang mga tauhan dahil sa kontrobersyal na pag-aalis kay Smith sa kustodiya ng ating mga korte, kasalanan pa ba ito ni Erap? And for that matter, ng oposisyon?

Sana’y baguhin na ng mga nasa Malacañang ang kanilang lihis na mga katwiran dahil sa aking tingin, lalo lamang silang kinakainisan ng taumbayan.
* * *
Lumalabas ang kolum na ito kung Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: doktora_ng_ [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

DANIEL SMITH

DOKTORA NG MASA

ERAP

MALACA

MARINE LANCE CPL

MRS. ARROYO

PASAY CITY

PRESIDENT ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with