Impeach na naman?

DETROIT, MICHIGAN – Peak season ngayon at hindi ako nakakuha ng maagang booking pabalik ng Pinas kaya next week na ako makababalik sa home base, possibly January 15. Gayunman, malaking balita sa mga Pinoy dito na plano na naman ng mga oposisyonista na kasuhan muli ng impeachment si GMA. Ang dahilan ay ang pagbibigay ng gobyerno sa custody ng US embassy kay US Marine Lance Cpl. Daniel Smith na nahatulan ng Korte na mabilanggo ng habambuhay sa panggagahasa sa Pilipinang si Nicole.

Hindi tayo dumedepensa o pumapanig kay GMA. Pero salungat man sa Konstitusyon, mayroong probisyon ang Visiting Forces Agreement (VFA) na ang mga ‘‘61 Joes’’ na lumalabag sa batas sa Pinas ay kailangang ilagay sa US custody hangga’t wala pang pinal na hatol. Nahatulan man si Smith, mayroon pang nakahaing mosyon para mabago ang hatol.

Walang kinalaman si GMA sa VFA na napagtibay noon pang hindi siya ang pangulo ng bansa. Pati si DILG Sec. Ronaldo Puno ay pinagbibitiw ng oposisyon dahil siya raw ang nag-endorse na ilagay sa US custody si Smith.

Pangit na salubong ito sa taon. Sumatotal, parali- sado uli ang gobyerno kapag humirit na naman ang impeachment.

Anyway, naniniwala ako na dapat rebisahin ang VFA para tiyaking walang probisyon ito na sasalungat sa Konstitusyon.

Show comments