Dahil nakita natin na si Mrs. Gloria Arroyo ang tumiklop sa pressure ni Ambassador Kenney, siya ang dapat sisihin sa nangyari at wala nang iba pa. Sa halip na magalit ang mga Pilipino kay Kenney, dapat pa nga siyang tularan ng mga ambassador natin, at dapat hikayatin natin sila na maging mas aggressive sila sa pagtulong sa mga distressed OFW sa abroad na parang katulad na rin ang sitwasyon kay Smith, dahil sila ang nakakulong sa ibang bansa.
Katawa-tawa naman ang sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na mas mabuti pa raw na ibinigay na lang ang custody kay Smith sa mga Amerikano, upang maiwasan na lang daw ang pag-pardon sa kanya. Sino naman kaya ang nagsabi kay Gonzalez na maaring ma-pardon ang isang convict kaagad-agad, dahil siya ay isang Amerikano?
Baligtad na talaga ang mga pangyayari ngayon, dahil si Gonzalez na dapat ang trabaho ay ipagtanggol ang ating justice system ay siya pa mismo ang nagtatanggol sa kamaliang ginawa ni Mrs. Arroyo. Ano na nga ba ang nangyari sa separation of powers ng executive branch at ng judicial branch? Ganoon na lang ba talaga ngayon, na kayang-kaya na ng Palasyo na bastusin ang husgado?
Habang tumatagal ang panahon, padagdag nang padagdag ang mga kasalanan ni Mrs. Arroyo sa bayan. Dapat nga ba siyang ma-impeach, gayong hindi naman siya tunay na pangulo?