nasasalubong natin halos araw-araw;
Silang tatloy sumisigaw sa lansangan
nagbebenta ng pagkain at pamatid-uhaw!
Tinapay! Tinapay! Ang sigaw ng una
at pumupotpot pa kanyang bisikleta;
Taho! Taho! Sigaw ng pangalawa
Balut! Penoy! Balut! Sigaw ng isa pa!
Madilim-dilim pay sugod sa trabaho
upang ang pamilyay kumain nang husto;
Ngayong Bagong Taon nais nilang tatlo
sila ay kumita kahit ilang piso!
Panggising sa tulog: Tinapay! Tinapay!
na para bang manok sa madaling-araw;
Hindi natin batid ay iginagapang
ang apat na bunsong nasa high school pa lang!
At ang magtataho sa buong maghapon
arnibal at sago maubos ang misyon;
Para limang bunsong nasa college ngayon
may pang-Media Noche noong Bagong Taon!
Ang dalawang anak nitong magbabalut
nasa opisina nat kapwa kumakayod;
Professional sila pagkat nakatapos
sa tyaga ng amang ang sigaw ay balut!
Kaya silang tatlo ay walang pahinga
dahil sa hangaring umasenso sila;
Hirap ang katawan subalit masaya
pagkat edukasyon sa anak pamana!
Ngayong Bagong Taon - tatlong mamamayan
hindi alintana angking karukhaan;
Silay tatlong taong dangal ng Silangan
pagkat nag-aangat sa pamilyat bayan!
Di sila katulad ng maraming ama
na sa mga anak ay laging pabaya;
Mayayaman sila pero anak nila
kung hindi kriminal - sugapa sa droga!