^

PSN Opinyon

Balut, penoy, balut!

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Tatlong mamamayan na naghahanapbuhay

nasasalubong natin halos araw-araw;

Silang tatlo’y sumisigaw sa lansangan

nagbebenta ng pagkain at pamatid-uhaw!

Tinapay! Tinapay! Ang sigaw ng una

at pumupotpot pa kanyang bisikleta;

Taho! Taho! Sigaw ng pangalawa —

Balut! Penoy! Balut! Sigaw ng isa pa!

Madilim-dilim pa’y sugod sa trabaho

upang ang pamilya’y kumain nang husto;

Ngayong Bagong Taon nais nilang tatlo

sila ay kumita kahi’t ilang piso!

Panggising sa tulog: Tinapay! Tinapay!

na para bang manok sa madaling-araw;

Hindi natin batid ay iginagapang

ang apat na bunsong nasa high school pa lang!

At ang magtataho sa buong maghapon

arnibal at sago maubos ang misyon;

Para limang bunsong nasa college ngayon

may pang-Media Noche noong Bagong Taon!

Ang dalawang anak nitong magbabalut

nasa opisina na’t kapwa kumakayod;

Professional sila pagka’t nakatapos

sa t’yaga ng amang ang sigaw ay balut!

Kaya silang tatlo ay walang pahinga

dahil sa hangaring umasenso sila;

Hirap ang katawan subali’t masaya

pagka’t edukasyon sa anak pamana!

Ngayong Bagong Taon -— tatlong mamamayan

hindi alintana angking karukhaan;

Sila’y tatlong taong dangal ng Silangan

pagka’t nag-aangat sa pamilya’t bayan!

Di sila katulad ng maraming ama

na sa mga anak ay laging pabaya;

Mayayaman sila pero anak nila

kung hindi kriminal —- sugapa sa droga!

BAGONG TAON

HIRAP

KAYA

MADILIM

MAYAYAMAN

MEDIA NOCHE

NGAYONG BAGONG TAON

SIGAW

TAHO

TINAPAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with