Nag-ugat ang kampanya ni Sapitula ng aking ibulgar ang pag-bulag bulagan ng mga dating pulis na nakakasakop sa naturang lugar. At nang siya nga ang naitalagang hepe ng Balut Police Station noong nakaraang December 8, 2006 ay agad niyang pinulong ang may 105 barangay chairmen ng naturang lugar.
Sa unang meeting ng mga barangay chairmen ay iilan lamang ang dumalo sa dahilang dismayado umano ang mga chairmen sa mga nagdaang mga hepe, dahil puro lamang dialog ngunit wala namang nangyayari.
Pawang pipitsugin lamang umano ang nahuhuli ng mga nagdaang pulis at kadalasan ay binabangkita pa nila, kung kayat patuloy ang paglipana ng mga kriminal sa kanilang lugar. He-he-he! Itoy pinatunayan ng ilang chairman na nakausap ko.
Sa kasalukuyan ay may kabuuang 320 katao na ang nalambat ni Sapitula na pawang may mga kasong robbery holdup, Akyat Bahay Gang, drug pushers and users at mga pugante matapos na maglunsad siya ng anti-crime operation.
Walang inaksayang oras si Sapitula maging itoy araw o gabi nang kanyang salakayin ang pinaghihinalaang lungga ng mga pusakal na krimi-nal na ikinasiya ng mga opisyales ng barangay at maging ng mga residente. Sa ngayon ay may kabuuang 10 anti-crime operation na ang naisagawa ng grupo ni Sapitula at mga barangay mula nang siyay manungkulan sa naturang police station.
Pawang positibo ang kanilang nalambat dahil karamihan sa mga itoy may mga warrant of arrest at ang ilan namay positibong kinilala ng mga biktima. Kung inyong matatandaan na noong nakaraang taon ay naging laman ng aking Banat ang talamak na holdapan sa may kahabaan ng Road-10 at Moriones St.
At ilang opisyal din ang aking tinukoy na nagpabaya sa kanilang tung-kulin, subalit sa kasalukuyan ay tila hulog ng langit si Sapitula sa mga mamamayan ng Tondo dahil sa kanyang kasipagan at tapang.
Sa ngayon naging regular na ang pagpupulong ng may 105 Barangay Chairman at ni Sapitula kasama ang Police Community Relation Office ni SPO3 Vicente Rodriguez na tumatalakay sa peace and order sa Programang "Pulis at Barangay magkatuwang sa pagsugpo sa Kriminal"
At dahil sa pakikiisa ng mga Barangay at mga residente ay unti-unti nang nanunumbalik ang katahimikan. Ipinagmalaki pa ni Sapitula na nagbunga ng maganda ang kanyang programa, sa katunayan ay naitala sa unang pagkakataon na ang kanyang nasasaku-pan ay walang nagpaputok ng baril ng Bagong Taon.
Saludo ako sayo Sir! Naibabalik mo ang mabuting imahe ng pulisya.