^

PSN Opinyon

Kabisote

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
SA mga eksenang bumulaga sa bansa noong kainitan ng usapin sa pagpili ng Chief Justice, ang pinaka-nakakapagpataas ng balahibo ay ang pagtatabi muli nina Raul Gonzales at Kiko Pangilinan na may hawak na GAVEL (martilyo) sa Judicial and Bar Council (JBC) panel. Huling nagkasama ang dalawa noong 2004 sa bilangan ng boto nina FPJ at GMA sa Kongreso. At sino ang makalilimot sa kanilang tumataginting na duetong "NOTED!" na tumuldok sa bawat protesta ng minorya sa palsipikadong election documents? Translation: NOTED, ibig sabihin PAG-IISIPAN. (At habang pinag-iisipan, pinroklama na agad si GMA. Sa kalaliman ng gabi.)

Fast Forward sa 2007
. Naghain ng petisyon si Solicitor General Nachura sa Court of Appeals na kinuwestiyon ang patuloy na pagkapiit ni Daniel Smith sa Makati City Jail. Kalakip ang kopya ng Romulo-Kenney Agreement na ilipat si Smith sa US Embassy. Nang matanggap ito ng Korte, sumagot ng NOTED. "Aha", sigaw ni Raul Gonzales, "NOTED!" NOTED ibig sabihin GRANTED! Kabisote! Kaya hayun, nilabas si Smith -— kalaliman ng gabi – ang kabukod tanging convicted prisoner sa Pilipinas na naka-aircon at wala sa bilibid Pinoy.

Kinatigan kahapon ng Court of Appeals ang posisyon ni Judge Pozon. Ang "judicial proceedings" daw sa ilalim ng VFA ay natatapos sa conviction ng akusado sa Regional Trial Court. Kaya’t wala nang batayan upang i-surender si Smith sa kustodiya ng US Authorities ngayong convicted na siya. Mali bale ang Pangulo sa pinasok na Romulo-Kenney Agreement. Subalit naghugas kamay ang Korte sa nangyari nang paglipat kay Smith sa Embassy. Wala raw silang magagawa dahil sa ilalim ng Konstitusyon, ang Executive ang may kapangyarihan sa usaping pang-diplomasya. Kabisote! Eh hindi ba ang Konstitusyon din ang nagsasaad na hiwalay ang kapangyarihan ng gobyerno sa executive, legislative at judiciary upang maiwasan ang abuso? Kapag nasa kamay na ng isa, kailangang hintayin at respetuhin ang pasya nito.

Sa Korte Suprema magkikita-kita para sa huling kabanata nina Danny at Nicole. Kahit 1st year law student alam na hindi maaring mangibabaw ang international agreement sa Konstitusyon ng bansa. Magandang bienvenida ito sa panunungkulan ni Chief Justice Reynato Puno.

SEC. RAUL GONZALES GRADE: 44

COURT OF APPEALS GRADE: 80

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

COURT OF APPEALS

DANIEL SMITH

FAST FORWARD

JUDGE POZON

KONSTITUSYON

RAUL GONZALES

ROMULO-KENNEY AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with