^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 5 ‘buwaya’ sa isang buwan

-
MAGANDA ang plano ng Presidential Anti - Graft Commission (PAGC) para sa 2007. Ito ay ang makahuli ng at least limang "buwaya" bawat buwan. Yes, limang buwayang matatakaw na nananahan sa mga ahensiya ng pamahalaan. Sila ang mga "buwayang" nagiging dahilan kung bakit nalulubog sa kumunoy ng kahirapan ang bansang ito. Ang perang dapat ay gagamitin ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapabuti sa kabuhayan ng mga Pinoy ay sa kanilang mga bulsa napupunta. Walang kabusugan ang mga "buwaya" at nanganganak pa nang mga matatakaw na "buwaya".

Sinabi ni PAGC chairwoman Constancia de Guzman, na ngayong 2007 talagang ibubuhos nila ang lahat ng lakas at paraan para lubusang madurog ang mga tiwali sa ahensiya ng pamahalaan. Wala umano silang sasayanging panahon para mawasak ang corruption. Hihigitan daw nila ang mga nagawa sa nakaraang taon kung saan maraming opisyal at empleado ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian ang kanilang sinibak.

Kabilang sa mga plano ng PAGC ay ang pagresolba ng dalawang kaso bawat linggo o 10 bawat buwan, pero mas sinisiguro nilang 50 percent nito ang kanilang matatrabaho. Katumbas raw nito ay limang corrupt bawat buwan. Pero sabi ng PAGC hindi rin naman sila lubusang makakakilos sa pagdurog sa mga "buwaya" kung walang pagtulong ng ibang ahensiya. Kailangan din nila ang surveillance team mula sa National Bureau of Investigation, Anti-Money Laundering Council, Philippine National Police at Criminal Investi- gation and Detection Group.

Maganda ang plano ng PAGC at sana sa pagkakataong ito ay tuluyan na ngang madurog ang mga "matatakaw na buwayang" nagpapahirap sa bansang ito. Sana rin naman ay hindi maging magaan ang ipapataw na parusa sa sinumang "bu-waya" na mahuhuli. Karaniwan nang ang mga opisyales at empleadong nahuhuling nangungurakot ay sinususpinde lamang ng 90 araw at pagkaraan ay balik na naman sa trabaho. Mas mainam kung magkakaisa ang PAGC at Office of Ombudsman para ang mga malalambat na "buwaya" ay mabulok sa bilangguan at hindi lamang sususpendehin.

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

CRIMINAL INVESTI

DETECTION GROUP

GRAFT COMMISSION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF OMBUDSMAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL ANTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with