^

PSN Opinyon

Midnight madness

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
Salubong sa bayan ng Malacañang sa 2007 ang pagpapalaya kay convicted rapist Daniel Smith sa kalaliman ng gabi noong Dec. 30, 2006. Sa gitna ng apela sa Court of Appeals, biglang pinayagan ng Malacañang ang pag-turn over nito sa U.S. custody nang wala pang permiso ng hukuman.

Ayon kay Senador Enrile kailangan ding respetuhin ang sovereignty ng Amerika. Ikakasira daw ng ating magandang relasyon ang pagreklamo tungkol sa pagpalaya kay Smith. Kung hindi rin natin kayang pangatawanan, eh pumayag na lang tayo sa nangyari. Baka maperwisyo pa ang seguridad at ang mga usapang pang-ekonomiya ng Pilipinas.

Kung tutuusin, hindi malinaw ang probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) tungkol sa "custody" ng convicted na akusado. Sa US Military Authorities ibibigay "until completion of all judicial proceedings." Ang kalabuan ay dulot ng pag-unawa sa katagang "judicial proceedings". Sa ilan, natatapos daw ito sa paghatol ng Regional Trial Court. Paniwala naman ng iba ay sakop ang buong proseso hanggang huling paghusga ng Mataas na Hukuman.

Kung si Cong. Lorenzo Tañada III ang tatanungin, kung meron mang kalabuan, hindi ba dapat iresolba ito sa panig ng ating kababayan? Noong pumutok daw ang issue ni Nicole ay agad pinilit ng pamahalaan ang custody kay Smith. Subalit nang hinatulan na ay saka pa isusurender sa Kano?

Krisis ang pangyayari dahil ang US embassy kung saan nakapiit (kung matawag man) si Smith ay itinu- turing na foreign territory sa international law. Walang bisa dito ang kapangyarihan ng Hukuman. At ang VFA? Ni hindi pa nga ito aprobado ng U.S. Congress bilang batas ng Amerika. Heto’t tayo pa ang mauuna sa pagbigay benepisyo sa ilalim nito kahit agrabyado ang kababayan? Babae pa ang atin! Siempre krisis din sa Konstitusyon ang pagbalewala ng Malacañang sa proseso ng Korte. Ang hukuman dapat ang may huling salita dito, hindi ang Pangulo. Ito ang unang malaking pagsubok sa liderato ni Chief Justice Reynato Puno.

Sa ginagawang pagbenta ng pamahalaan sa ating mga kalayaan at karapatan sa dilim ng gabi, na ala MIDNIGHT MADNESS SALE sa mga shopping mall, nawawalan na ng halaga ang ating pagkapinoy. Special offer: Philippine Rights and Freedoms — Buy One, Take All!

vuukle comment

AMERIKA

BUY ONE

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

COURT OF APPEALS

DANIEL SMITH

HUKUMAN

LORENZO TA

MALACA

MILITARY AUTHORITIES

PHILIPPINE RIGHTS AND FREEDOMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with