^

PSN Opinyon

Mga parcel na padala pinagkakaperahan ng ilan!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ISANG reklamo ang natanggap ng BITAG buhat sa isang nagrereklamong kumukuha ng parcel na padala sa kanya ng isang kaibigan buhat sa ibang bansa. Nang kukuhanin n’ya na ang parcel ay pinagbabayad daw siya ng halagang mahigit sa P2,000.

Dahil sa hindi n’ya inakalang ganun kalaki ang babayaran sa pagkuha ng naturang parcel sa mailing station ng Las Piñas kaya hindi n’ya na ito kinuha. Ang pinagtataka ng nagrereklamo sa BITAG ay dati naman daw nagpapadala sa kanya at P30 lang ang kanyang binabayaran.

Gayung puro pinaglumaang gamit lang ang laman ng naturang parcel. Nang tanungin pa raw n’ya kung may resibo ang kanyang babayaran ang sagot daw ng empleyadong kanyang nakausap ay kapag walang resibo puwedeng isang libo na lang ang kanyang babayaran.

Kolokoy talaga ang ilang empleyado d’yan kaya nang tinawagan ng BITAG ang naturang tanggapan ay nagtuturuan na sila. Kaya naman nang balikan ang parcel ng nagrereklamo ay hindi na ito pinagbayad.

Ayun naman pala bakit puwedeng walang bayad, o natakot lang kayo sa kalokohang inyong ginagawa r’yan. Nabahag ba ang mga buntot n’yo na baka mahulog kayo sa BITAG?

Sana ngayong 2007 ay maging tapat ang ilang tiwaling empleyado d’yan dahil sa susunod na may magreklamo sa BITAG sisiguraduhin namin na tutuldukan na namin ang inyong kalokohan.

AYUN

BITAG

DAHIL

GAYUNG

KAYA

KOLOKOY

LAS PI

NABAHAG

NANG

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with