Ano kaya ang naghihintay sa atin sa 2007?
January 2, 2007 | 12:00am
Ang sarap ng pakiramdam na nakaraos na naman tayo ng isang taon kahit na ang marami sa atin ay nakaranas ng hirap at kabiguan nang dahil sa kalagayan ng pamumuhay sa ating bansa. Isang taon na naman ang ating bubunuin na hindi man lamang natin nalalaman kung ano ang tatahakin nating mga mamamayang Pilipino ang darating na mga araw. Magiging mabuti kaya o lalong sasama pa kaysa sa dumaang taon?
Akalain mo nga naman, 2007 na samantalang simula ng magkagiyera nuong 1941 ay umaangal na ang mga Pilipino ng kahirapan? Mantakin mong ang tagal nang kaawa-awa ang kalagayan ng ating mga kababayan. Ang sabi nga ng mga nakatatanda, "mabuti pa noong pre-war, mas mahusay-husay ang takbo ng pamumuhay sa Pilipinas kahit na mayroon pa ring mga mahihirap na kababayan natin."
Kung ikukumpara mo nga naman ang buhay noon dito sa atin at sa ngayon, malaki ang pagkakaiba. Noon, pantay ang laban. Ang maagap at masisikap ay siyang mga nagtatagumpay sa buhay. Ang mga tamad at hindi marunong kumayod para sa sarili ay hindi pinagpapala. Mas marami nuon ang maka-Diyos at maka-tao at talaga namang ginagampanan nila ang ugali at gawain ng pagiging tunay na Kristiyano.
Hindi katulad ng mga nangyayari ngayon sa ating bayan at sa mga Pilipino kahit na saan sila naroroon. Mas marami ngayon ang maka-sarili na walang sinasambit kundi "para sa akin ito".Ngayon, ang mahalaga ay kung sinong impluwensiyal at makapangyarihang tao ang kilala mo at hihingan mo ng tulong upang umasenso ka at malagay ka sa mabuting kalagayan. Dapat pa bang sabihin na talamak ngayon ang graft and corruption na isa sa mga dahilan ng pagbaksak ng ating bayan.
Katulad na nga ng nasabi ko, wala tayong magagawa kundi ang magdasal ng taimtim sa ating Panginoong Diyos sa tulong ng ating Mahal na Birhen na nawa ay hipuin nila ang mga lider natin at lahat ng ating mga pulitiko upang sa ganoon ay kabutihan ng ating bayan at kagalingan ng mga mamamayang Pilipino ang siya nila munang isaalang-alang at bigyan ng pansin. Harinawang mas higit pa nuong pre-war ang maging kalagayan ng ating bayan at maging isang tunay na isang free-from-war country ang Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am