Kasalukuyan pa kasing pinag-uusapan sa korte ang merito ng kanyang paglipat ng custody kaya sa pananaw ng karamihan, "nabastos" ang ating dignidad bilang isang malayang bansa.
Sa aking panig, lumalabas na marami pa ring kahinaan ang ating mga legal na proseso at kung paano ito iuugnay o mag-operate kasabay ng mga international treaty nilagdaan ng ating bansa.
Kaya nga, sa pagpasok ng 2007, binabalak kong maghain ng isang panukala sa Senado upang makita at mapag-aralan ang mga kahinaang ito at sa gayon ay mahanapan ng mga solusyon.
Sa ganang akin, mahinahon at seryosong pagbusisi sa mga isyu ang kailangan upang hindi na maging kontrobersyal at mabalot ng emosyon ang operasyon ng mga kasunduan. Bukod sa kahinaan, mahalaga rin na malaman ng ating mga kababayan ang katotohanan hinggil sa kontrobersiyang ito.
Samantala, hayaan muna ninyong mabati ko muli kayong lahat ng isang Manigong Bagong Taon at patuloy nating harapin ang 2007 na puno ng pag-asa at pani-niwala sa ating sarili na magiging maganda rin ang resulta ng inilaang pagkakataong ito ng Poong Maykapal upang magawa natin ang mga bagay na mahalaga sa ating lahat.