^

PSN Opinyon

Dapat malaman ang katotohanan at mga kahinaan

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
Kaisa ang inyong lingkod sa malaking bilang ng ating mamamayan na labis na nabigla sa agarang pagkuha ng US Embassy kay US Marine Corporal Daniel Smith noong Biyernes ng gabi.

Kasalukuyan pa kasing pinag-uusapan sa korte ang merito ng kanyang paglipat ng custody kaya sa pananaw ng karamihan, "nabastos" ang ating dignidad bilang isang malayang bansa.

Sa aking panig, lumalabas na marami pa ring kahinaan ang ating mga legal na proseso at kung paano ito iuugnay o mag-operate kasabay ng mga international treaty nilagdaan ng ating bansa.

Kaya nga, sa pagpasok ng 2007, binabalak kong maghain ng isang panukala sa Senado upang makita at mapag-aralan ang mga kahinaang ito at sa gayon ay mahanapan ng mga solusyon.

Sa ganang akin, mahinahon at seryosong pagbusisi sa mga isyu ang kailangan upang hindi na maging kontrobersyal at mabalot ng emosyon ang operasyon ng mga kasunduan. Bukod sa kahinaan, mahalaga rin na malaman ng ating mga kababayan ang katotohanan hinggil sa kontrobersiyang ito.

Samantala, hayaan muna ninyong mabati ko muli kayong lahat ng isang Manigong Bagong Taon at patuloy nating harapin ang 2007 na puno ng pag-asa at pani-niwala sa ating sarili na magiging maganda rin ang resulta ng inilaang pagkakataong ito ng Poong Maykapal upang magawa natin ang mga bagay na mahalaga sa ating lahat.
* * *
Sa mahal na readers, lalabas po ang aking kolum ng Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag email sa: doktora_ng_ [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ATING

BIYERNES

DOKTORA NG MASA

MANIGONG BAGONG TAON

MARINE CORPORAL DANIEL SMITH

PASAY CITY

POONG MAYKAPAL

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with