^

PSN Opinyon

Nawa’y magbago na ang takbo ng buhay sa 2007

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HANDANG-HANDA na ang sambayanang Pilipino sa pagsalubong sa Bagong Taon at halos ang lahat ay nagkanya-kanya ng paghahanda sa kani-kanilang mga tahanan. Ito ang panahon ng pagtitipon-tipon ng buong pamilya sa kani-kanilang mga tahanan.

Paalam 2006 at mabuhay 2007 nawa’y magbago na ang takbo ng buhay ng bawat isa. Hindi naman kaila sa sino man sa atin na ang nagdaan taon ay nag-iwan nang napakaraming trahedya at maraming buhay ang nalagas.

Naging saksi ako sa naging pamumuhay ng mga biktima ng kalamidad sa Southern Leyte, Cavite at Bicolandia nang akoy mapabilang sa relief goods operation ng Damayan Foundation ng Star Group of Publication.

Hirap at pagod ay hindi alintana ng buong staff ng Damayan Foundation sa oras ng pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, walang turingan na "bossing" sa aming grupo. Ang lahat ay kumikilos at nagtutulungan upang maisakatupan ng mabilis at maayos ang pagtulong sa mga biktima.

Maging si Mr. Miguel Belmonte ang over-all Chairman ng Damayan Foundation ay matiyagang nagsu-supervise sa amin upang maging maayos ang lahat at kadalasan ay abonado pa sa kaunting pagkukulang sa pondo.

Ang Damayan Foundation ni yumaong Betty Go Belmonte ang ina nang mga pahayagang The Philippine STAR, Pilipino Star Ngayon, PM PangMasa at kompanyang Pilipino Star Printing ay itinatag upang tumulong sa mga mahihirap nating mga kababayan sa pamamagitan ng libreng gamot at doktor, Adopt-a-School Program sa mga Elementary, relief operation sa panahon ng kalamidad na higit pang pinalawak ng kanyang anak na si Miguel.

At dahil sa halos sunud-sunod na trahedya ang naganap ng taong ito ay unti-unti na ring kinakapos ang pondo ng Damayan, subalit patuloy pa rin ang pag-aambagan ng tatlong diyaryo upang maipagpatuloy ang operasyon.

Kung kaya’t akoy kumakatok sa inyong ginintuang puso mga suki, makibahagi kayo sa aming layunin na makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong, maaari ninyong ipadala ang inyong tulong sa aming opisina sa Roberto Oca St., Port Area, Manila o dili kaya’y sa lahat ng branches ng Metro Bank na may Account No. 151-3-04161622-9

Makakaasa kayo na ang lahat ng inyong naiambag ay makakarating sa mga taong nangangailangan. Kung nagawa ng Manila Police District sa pangunguna ni Acting Director SSupt. Danilo Abarzosa, President Emma Lim ng Manila’s Fi- nest Brotherhood Associa-tion at President Francis Naguit ng MPD Press Corps na tapyasan ang kanilang Christmass Party kayo pa kaya?

At bilang tugon sa aking panawagan, agad na nagbigay ng tulong ang Leslie Products ng halagang P50,000.00 at mga lumang damit. Ayon kay G. Raul Ramirez, Vice President ng Human Resources ang naturang halaga ay mula sa tinapyas nilang budget sa kanilang Christmas party.

Naisagawa umano ang naturang donasyon ng magpatawag si Ginoong Bobby Wong ang Presidente ng Leslie Products ng meeting sa lahat ng mga empleyado at mga kasapi ng unyon ng naturang kompanya at hilingin na bawasan na lamang ang gastusin sa party upang maitulong sa mga biktima ng bagyong Reming sa Bicol. He-he-he! Natuloy naman ang kanilang party at lalo pang sumigla dahil kahit simple lang ang selebrasyon ay masaya naman sila dahil nakatulong sila sa mga taong higit na nangangailangan.

Tularan natin sila mga suki! Aasahan ko ang inyong tulong. Happy New Year sa inyo mga suki! At nawa’y patuloy ninyong tatangkilikin ang Banat ng pahayagang ito.

ACCOUNT NO

ACTING DIRECTOR

ANG DAMAYAN FOUNDATION

BAGONG TAON

BETTY GO BELMONTE

BROTHERHOOD ASSOCIA

CHRISTMASS PARTY

DAMAYAN FOUNDATION

LESLIE PRODUCTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with