^

PSN Opinyon

Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
ITO po ang aking huling column sa 2006 at nais ko pong pasalamatan ang lahat sa patuloy na sumusubaybay at tumatangkilik sa akin. Kasama na ho riyan ang mga daan- daang nagpapadala ng text messages at e-mail sa akin araw araw.

Mga liham at text messages ho n’yo ang patutuloy na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na labanan ang anumang uri ng katiwalian kahit pa nilalagay nito sa panganib ang aking buhay. Binibigyan ho n’yo ako ng lakas ng loob dahil sa patuloy ninyong pagtitiwala ay alam kong tama ang aking pinaglalaban.

Sa mga TUNAY kong kaibigan, samantalahin ko na ho ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa inyo.

Kay Mayor Sonny Belmonte, Kevin, Isaac, Miguel and Joy at sa inyong buong pamilya, taos pusong pasasalamat. Malaking malaki na ho ang utang na loob ko at ng aking pamilya sa inyo. Sana dumami pa ang mga katulad n’yo na higit pa sa pamilya kung ituring ang mga kaibigan at kasamahan. Muli maraming maraming salamat.

Sa lahat ng mga taga Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON, STARWEEK at iba pang publication ng STAR, Mabuhay kayo at sana tuloy-tuloy na tayong maging numero uno.

Pasalamatan ko rin kay Ka Lito Banayo, isang kapwa ko kolumnista at parang nakatatandang kapatid. Ganundin kay Ginoong Rollie Estabillo na naging boss ko na hanggang sa araw na ito ay takbuhan ko at sumbungan ng mga problema.

Thank you rin kay Ginoong Manny Zamora at Congressman Ronaldo Zamora, Greg and Ermin Garcia (hindi ho sila magkapatid), Peter Sing at isa pang kapwa ko columnist na si Raymond Burgos at siyempre kay Yoyah Quizan at Lourdes Menodiado.

Kay Tita Guia Gomez ang susunod na Mayor ng San Juan at siyempre sa susunod na Senador ng Republika na si JV Ejercito, Mabuhay kayo.

Kay Anthony Taberna, Gerry Baja, Ted Failon and Corina Sanchez, Vic de Leon Lima, Karen Davila at lahat ng mga taga DZMM, kay Arnold Clavio, Ali Sotto, Joel Reyes Zobel, Orly and Fernan at kay Boss Mike Enriquez at lahat ng taga DZBB, Deo Macalma at kanyang mga bubwit at kay Boss JT ng DZRH sana’y dumami pa ang mga makikinig sa inyo. Lagi nga ho akong hirap magpipipindot dahil sa galing at tindi ng inyong mga commentaries.

Sa lahat ng mga kasamahan ko sa industriya ng media, both sa print at broadcast, panalangin natin sa sana’y maging mas Tahimik at Mapayapa ang 2007 para sa ating lahat.

Pagbati rin kay Gerry Cunanan, Mike Dino, Ariel Buenaventura, Mel Robles, Cesar Chavez, Jeremy Regino, Jimmy Recio, Master Fermin Eucariza at Nelson Eucariza, Jobert Cocjin, Totoy Mendez, ka Efren Adan at sa inyong mga pamilya.

Ning Sing, Lalaine Ampil, Ray Rivera, Erwin Pandi, Boy Pato, thank you for all the help.

Mga dati kong kasama diyan sa Philippine Tourism Authority kung saan naging General Manager ako greetings din ho bagama’t hindi ko mababanggit ang mga pangalan ninyo lahat at alam niyo na ho sino kayong tunay na kaibigan at kakampi, salamat nang marami.

Sa mga kaibigan kong abogado na magtatanggol sa akin (he-he-he) gaya nina retired Justice Teddy Regino, Atty. Ric Cruz, Bingbong Medialdea, Ricky Pilares, Hernan Cabrera, Ed Serapio, Jojo Reyez, Cesar Salazar at siyempre si Harry Roque advance na pasasalamat sa pag-waive ng professional and hearing fees.

Batiin ko rin ang mga barangay chairman at mga Kagawad diyan sa ikatlong distrito ng Manila na nakaharap at nakasalamuha ko habang ako ay nag-iikot kasama ni dating Congressman Harry Angping at real Congresswoman Zenaida Angping. Thank you po sa mainit ninyong pagtanggap sa akin. Huwag n’yo akong kalilimutang imbitahan sa mga susunod na gift giving n’yo at proyektong nakakatulong sa mga mas naghihikahos nating mga kababayan.

Chairmen Danny Aquino, Jerry Cabiltes, Tony Cayetano, Iyo Mateo, Dandan Tan at sa inyong lahat diyan, sama ako uli anytime sa taong papasok at pagtulungan nating mas marami pa ang sasaya.

Kina barangay chairman Anghel Rivero, Antonio Navarro, treasurer Sonny Hidalgo doblehin natin ang gift giving n’yo sa papasok na taon. Kay Edwin Zamora, thanks for all the help at sana hindi ka magsasawa sa kakukulit at katatanong ko.

Salamat din sa pag-iistima kay Kagawad Shirley Sarmiento, Nelson Egos, Malou Cansino at siyempre kay birthday boy kagawad Rey diyan sa office ni Cong. Angping.

Kay Kagawad Edi U Jasmin naman ng barangay 313 at lahat ng kasama niya riyan, super sarap ho ang kinilaw na bangus, kakaiba at ultimo ang pansit akala n’yo galing sa sikat na pansiterya. Thank you at sa isang taon, kahit hindi Christmas game tayong tumungo riyan.

Cesar Panti, na dating Chairman diyan sa 313 sa may Fugoso st., Manila, TY sa pagtanggap pero medyo hinay sa inom. Kahit anong bagay pag sobra masama.

Sa aking pamilya at sa lahat ng kaibigan at sa inyo na laging pinagtitiyagaan ang inyong lingkod, MULI, MARAMING MARAMING SALAMAT at HARINAWA’Y MAGING MAPAYAPA AT MAUNLAD ANG BANSANG PILIPINAS AT SAMBAYANANG PILIPINO sa pagpasok ng 2007.

Happy, Prosperous and Peaceful New Year ho sa ating lahat.
* * *
SA mga maglalaro ng paputok huwag na at baka maputulan. Kain na lang at enjoy. Sa mga iinom naman ng husto, tandaan masama ang sobra at sa ating lahat, konting hinay sa pagkain at share sa mga mas hikahos at hirap sa atin pero higit sa lahat, pasalamat tayo sa PANGINOON sa lahat ng ating mga BLESSINGS at tandaan natin, utang natin sa KANYA ang lahat ng tinatamasa natin.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

ALI SOTTO

ANGHEL RIVERO

ANTONIO NAVARRO

ARIEL BUENAVENTURA

ARNOLD CLAVIO

BINGBONG MEDIALDEA

KAY

LAHAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with