Lalim ng freedom for sale sa BI

HABANG lumalalim ang investigation regarding sa ‘‘freedom for sale’’ na kinasasangkutan ng ilang bugok sa Bureau of Immigration nagkakaroon ng linaw kung sinu-sino ang mga nagsabwatan.

Isang testigo sa Department of Justice ang kumanta para malaman ang buong katotohanan kung no-si ang umalalay kay Vo Van Duc, Vietnamese-American citizen, na hinihinalang terorista para makatakas.

Sinasabing nakalabas ng Pinas si Vo Van Duc matapos iskortan daw sa NAIA ng ilang immigration officers.

Si Vo Van Duc, ay gumamit ng Philippine passport para makalusot sa airport at dehins masita.

Natutuwa naman si retired Col. Teddy Delarmente, OIC ng BI noong panahong makalabas si Vo Van Duc sa Pinas dahil nilinis ng singer ang kanyang name na alaws siyang alam o participation sa anomalya.

Una nang binira ni Rep. Ace Barbers ang nangyaring anomalya sa BI marami itong sinabi sa kanyang privilege speech kaya naman up to now ay may imbestigasyon ang House of Congress at ang DOJ tungkol sa ginawang pagbubulgar ng una.

Sana lumabas ang buong katotohanan. Sabi nga, truth shall prevail!

Nakausap ko si Delarmante na naggagalaiti sa galit porke isinabit siya ng mga bugok sa kaso ni Vo Van Duc maraming tsismis ang pinalabas para sirain ang kanyang kredibilidad at integridad bilang isang public servant.

Si Teddy, ay dating Associate Commissioner sa BI pero ito rin ang nag-acting commissioner noon makatakas ang terorista.

Ikinalat noon na isa si Teddy sa tumanggap ng pitsa P20 million worth ang pinag-uusapan todits para makalabas ng country ang kilabot na terrorist.

Si Vo Van Duc, ay wanted sa Tate dahil sangkaterba ang kanyang pinasabog na lugar noon kainitan niya.

‘‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago,’’ anang kuwagong sepulturero.

‘‘Sige kamote asahan namin ang mga magagandang story regarding sa ‘‘freedom for sale’’ sa BI sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Wait and read tayo kamote next year!’’

‘‘Abangan!’’

Show comments