^

PSN Opinyon

Keep up the good work, Col. Dino

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NABUWAG pala ng grupo ni Col. Frank Dino, bossing ng Airport Police Force sa NAIA ang grupo ng Salisi gang at mga magnanakaw sa rampa ng paliparan. Tahimik si Frank pero nagtatrabaho pala. Ika nga, tahimik pero mapanganib!

Nakaututan dila ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Frankie Boy before Christmas sa may arrival curbside ng Terminal I regarding sa mga nakawang nangyayari sa paliparan.

Sangkatutak na arriving passengers at maging departing ang nagrereklamo dahil bukas at nawawalan ng mga mahahalagang bagay ang kanilang mga bagahe pag-alis at pagdating sa NAIA.

Nilaliman ni Frank ang intelligence networking nila sa rampa ng paliparan para malaman kung totoong may nakawang nangyayari todits.

Nagtalaga siya ng mga trusted lespu para manmanan ang mga culprits at mga asset. Presto, totoo ang sumbong.

Sindikato ang mga tirador ng mga bagahe sa paliaran.

Nakilala nila isa-isa ang grupo ng mga kamote kaya naman sinuyod nila ang mga ito sa Cavite. Ika nga, huli sila! Ang problema ni Frank alaws complaint na lumutang para ibaon ang mga gago sa kaso.

Kaya alaws din sila magaya kundi bitawan ang mga gago.

Sabi nga, baka sila ang buweltahan ng mga tarantado.

Humingi ng help si Frank sa NBI at pulis para alamin kung ang mga taong nasungkit nila sa Cavite ay may mga standing warrant kaya naman ito ang pinagbasihan nila para makalaboso ang mga kamote.

Laking panghihinayang ni Frank at alaws complainant na lumutang para sa swak sa kulungan ang mga animal. Malaking dagok sa airport ang ginawa ng mga kamote dahil ang pamunuan ng MIAA ang nasira todits. Sabi nga, matindi ang security nalulusutan.

Diyan dehins pumayag sina MIAA general manager Al Cusi at siyempre si retired Philippine Army General Angel Atutubo ang masira sila sa madlang people dahil lamang sa kagagawan ng ilang malilikot ang kamay. Sabi nga, magnanakaw!

Sabit din ang grupo ng Salisi sa paliparan. Nakuha silang lahat pero ang problema nga lang alaws din lumutang na mga complainant.

‘‘Saludo ako kay Frank sa nangyari,’’ sabi ng kuwagong manananggal.

‘‘Itinatago kasi ng airlines companies ang isyu kaya naman hindi makagalaw sina Frank,’’ anang kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Magaling ba si Frank?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano sa palagay mo kamote?’’

‘‘Hindi ka ba bilib at nahuli ang mga gago.’’

‘‘Sana sa susunod may funding si Frank para sa ganitong problema’’

‘‘Tiyak bibigyan ngayon nina Al at Angel si Frank ng pitsa para sa ganitong problema.’’

‘‘Frank, congrats!’’

AIRPORT POLICE FORCE

AL CUSI

CAVITE

FRANK

FRANK DINO

FRANKIE BOY

IKA

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with