Security risk turn-off sa investors
December 28, 2006 | 12:00am
DETROIT, MICHIGAN Maraming mga FilAms at American businessmen dito sa US ang ibig mag-invest sa Pinas. Nababalitaan nila ang pag-unlad ng ekonomiya ngunit isa ang kinatatakutan nila.
Ang panganib na pang-seguridad.
Mukhang kinukumpirma nito ang pag-aaral kamakailan ng isang management consultant firm, ang C. Virata and Associates na nagsasabing ang pecae and order problem ay dahilan upang ang pamumuhunan sa Pilipinas ay maging "magastos" sa mga investors.
Kasama na sa ekstrang gugol na ito ang mataas na insurance cost at ang banta ng mga rebeldeng komunista na naniningil ng revolutionary sa mga negosyante lalu na yung mga nasa construction business. Hindi maililingid sa mata ng daigdig ang ginagawang panununog ng mga rebeldeng NPA sa mga kasangkapan ng mga contractors na tumatangging magbigay ng revolutionary tax.
Ayon sa consultant firm, ang premium sa insurance ay karaniwang tumataas sa 2.5 percent ng kabuuang halaga ng ginagawang proyekto. Ang dahilan ay ang negatibong perception sa kalagayang pangseguridad sa bansa.
Normally, dapat ay 1 porsyento lang ng kabuuang halaga ng proyekto ang halaga ng insurance.
Harinawa na ang pagpasok ng taong 2007 ay mapagtuunan na ng pansin ng pamahalaan ang mga problemang pangseguridad. Malaki ang impact nito sa kalagayan ng ekonomiya.
Alam naman natin na ang masiglang ekonomiya ang buhay ng bansa. With a good economy, kontento ang tao, maligaya at wala ang dahilan upang silay gumawa ng katiwalian.
Kung walang pagdarahop, wala ring dahilan ang komunismo upang manatili at itoy kusang mamamatay.
Email me at [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am