Kailan darating ang ginhawa?
December 25, 2006 | 12:00am
DETROIT, MICHIGAN Natatalakay natin ang pangingibang-bansa ng marami nating kababayan in pursuit of a better quality of life.
Sa pag-upo pa lamang ng bagong administrasyon ni Presidente Aquino noong 1986, narinig ko na ang pangako ng administrasyon na iaangat ang ekonomiya upang ang mga kababayan natiy hindi na kailangang mag-abroad at humanap ng tinatawag na "mas luntiang pastulan."
Lumipas ang iba pang rehimen nina Fidel Ramos at Joseph Estrada hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Presidente Arroyo. We hear the same old promise. Mahigit sa 20-taong singkad ang nagdaan pero wala pa rin tayong ginhawang nakikita. Hindi iglap na panahon ang dalawang dekada. Imbes na bumuti ang buhay, tila lalung dumarami ang gutom. Ayon sa isang survey, mas maraming Pilipino ngayon ang sumasala sa oras.
Eh ano yung sinasabing sumisigla ang ekonomiya? Nasaan ang epekto ng pagsigla ng piso? Lumalakas ang piso pero sino ang nakikinabang? Mahal pa rin ang bilihin at hindi magkasya ang sahod ng mga odinaryong manggagawa.
Kung may nakikinabang man, ito ay ang gobyerno na lumiliit ang ibinabayad sa panlabas na pagkakautang.
Ang sukatan ng magandang ekonomiya, para kay Juan dela Cruz ay ang dami ng mabibiling kalakal at serbisyo ng kanyang suweldo. Until now, we havent felt the trickling down effect ng sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. Meanwhile, tuloy ang ating mga kababayan sa paghanap ng "greener pasture" sa ibang bansa. Masarap mangarap, pero pagdating mo doon, daranas ka rin ng hirap. Malaki man ang sahod, ang dalamhati mo dahil sa pagkakalayo mo sa iyong pamilya ay tinik na nakabaon sa iyong puso.
Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest