Atras abante sa Cha-cha
December 24, 2006 | 12:00am
BIGLANG-BIGLA ang pag-atras ng Palasyo sa panukalang Cha-Cha, ngunit mabilis din silang nagdeklara na hindi pa sila umaayaw sa kanilang minumungkahi. Dahil sa ginawang ito ng Palasyo, naging malinaw na sa mga tao na umatras lamang ang kampo ni Mrs. Gloria Arroyo sa pag-patupad ng constituent assembly (con-ass), ngunit talagang balak pa rin nilang palitan ang sistema ng gobyerno.
Kailan lang, sinabi naman ni Governor Ben Evardone na may bago na silang panukala, hindi na raw parliamentary at presidential form na lang, ngunit gagawin na lang daw na unicameral ang legislative branch, ang ibig sabihin ay papatayin na nila ang Senado.
Dahil sa pinakitang pagkakaisa ng mga simbahan sa paglaban sa Cha-cha, naging malinaw na ayaw ito ng mga tao at dapat makinig na ang gobyerno sa mga tao. Bagamat ang akala natin ay pinakinggan na tayo ng gobyerno, mabilis namang binawi ni Mrs. Arroyo ang kanyang salita, nang sinabi niya na itutuloy pa rin ang Cha-cha.
Sa madaling sabi, malinaw na pinalamig lamang ng Palasyo ang sitwasyon, dahil kung tinuloy nila ang con-ass, ay talagang matutuloy din ang malaking rally sa paglaban nito. Ang akala natin, malaki ang paggalang ni Mrs. Arroyo sa mga simbahan kaya siya umatras, iyon pala parang nilusutan lang niya ang mga tao at gagawin pa rin ang gustong gawin.
Marami ang nagsasabi na ang pagbaligtad ni Mrs. Arroyo ngayon ay katulad ng pag-baligtad niya sa Baguio noon, nang sinabi niyang hindi siya tatakbo, ngunit tumakbo pa rin. Kawawa naman ang ating bansa, dahil naging biktima tayong lahat ng pag-sisinungaling ni Mrs. Arroyo not just once, but twice.
Kung matutuloy ang bagong version ni Evardone, parang lalabas na may bago na tayong sistema, ngunit Presidente pa rin ang mamumuno sa atin. Hindi kaya pina-ikutan lang tayo ng gobyerno upang mapatagal ang pag-upo nila sa pwesto kahit walang election?
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected], text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515.
Kailan lang, sinabi naman ni Governor Ben Evardone na may bago na silang panukala, hindi na raw parliamentary at presidential form na lang, ngunit gagawin na lang daw na unicameral ang legislative branch, ang ibig sabihin ay papatayin na nila ang Senado.
Dahil sa pinakitang pagkakaisa ng mga simbahan sa paglaban sa Cha-cha, naging malinaw na ayaw ito ng mga tao at dapat makinig na ang gobyerno sa mga tao. Bagamat ang akala natin ay pinakinggan na tayo ng gobyerno, mabilis namang binawi ni Mrs. Arroyo ang kanyang salita, nang sinabi niya na itutuloy pa rin ang Cha-cha.
Sa madaling sabi, malinaw na pinalamig lamang ng Palasyo ang sitwasyon, dahil kung tinuloy nila ang con-ass, ay talagang matutuloy din ang malaking rally sa paglaban nito. Ang akala natin, malaki ang paggalang ni Mrs. Arroyo sa mga simbahan kaya siya umatras, iyon pala parang nilusutan lang niya ang mga tao at gagawin pa rin ang gustong gawin.
Marami ang nagsasabi na ang pagbaligtad ni Mrs. Arroyo ngayon ay katulad ng pag-baligtad niya sa Baguio noon, nang sinabi niyang hindi siya tatakbo, ngunit tumakbo pa rin. Kawawa naman ang ating bansa, dahil naging biktima tayong lahat ng pag-sisinungaling ni Mrs. Arroyo not just once, but twice.
Kung matutuloy ang bagong version ni Evardone, parang lalabas na may bago na tayong sistema, ngunit Presidente pa rin ang mamumuno sa atin. Hindi kaya pina-ikutan lang tayo ng gobyerno upang mapatagal ang pag-upo nila sa pwesto kahit walang election?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended