^

PSN Opinyon

Pagtupad sa tungkulin

IKAW ANG BATAS - Jose C. Sison -
Si Atty. Fran ang Officer in Charge of the Operations and Surveillance Division, Anti-Illegal Recruitment, Licensing and Regulation Office ng POEA, sa ilalim ng proteksyon ng DOLE.

Noong February 1, 1998, nakatanggap ang opisina ni Atty. Fran ng isang reklamo mula sa aplikanteng si Eddie, laban sa Recruitment Agency of Pedro Chanco (CMPI). Ayon kay Eddie, hiningi raw sa kanya ng ahensiya ang paunang bayad na P20,000, bahagi ng kabuuang recruitment fee na P55,000, bago iproseso ang kanyang aplikasyon. Kaya, nagsagawa ng sorpresang imbestigasyon at pagmamatyag ng ahensiya si Atty. Fran. Sa naging imbestigasyon, napag-alamang isang nagngangalang Betty, hindi empleyado ng CMPI, ang humaharap sa mga aplikante at ang namamahala sa pangangalap ng mga aplikante upang makapagtrabaho sa ibang bansa, ang siya ring kumokolekta ng bayad at mga dokumento ng mga aplikante ng CMPI. Si Betty din ang nakikipag-ugnayan sa mga empleyado ng CMPI at sa asawa ni Chanco tungkol sa status ng mga aplikante. Matapos ang pagmamatyag, ang opisina ni Atty. Fran at ang CIS ay nagsanib ng puwersa para sa isang entrapment ng mga empleyado ng ahensiya.

Pumunta sa ahensiya ang POEA-CIS team sa pamumuno ni Atty. Fran kasama ang walong miyembro nito. Si Betty ang humarap sa grupo at nagpakilalang empleyado siya ng ahensya. Matapos isumite ni SPO4 Benito, operatiba ng CIS, ang kanyang bio-data at ilan pang dokumento, hiningi sa kanya ni Betty ang down payment na P7,000. sinabi rin ni Betty kay Benito na kailangan nitong magbayad pa ng P20,000 sa oras na nakumpleto na nito ang iba pang dokumento samantalang ang natitirang P28,000 ay dapat na bayaran ni Benito sa airport bago ito umalis ng Taiwan. Nang matanggap ni Betty ang pera, siya ay inaresto. At nang dumating si Pedro Chanco, siya rin ay inaresto at dinala sa CIS headquarters. Naniniwala si Atty. Fran na lumabag si Pedro sa Article 29 ng Labor Code o ang batas na pumipigil sa malpraktis ng mga lisensyadong ahensya na kumakalap ng mga aplikante sa pamamagitan ng mga hindi rehistradong empleyado nito tulad ni Betty na humihingi ng pera sa mga walang malay na aplikante at pagkatapos ay itatangging sila ang employer, upang maabsuwelto sa anumang pananagutan.

Gabi nang nakaalis sina Pedro at Betty sa opisina ng POEA nang matapos ang imbestigasyon. Pagkatapos ay kinasuhan sina Chanco at Betty ng paglabag sa Article 29, 32 at 34 (a) ng Labor Code. Ngunit dinismis ng State Prosecutor ang kaso laban kay Chanco dahil si Betty lamang daw ang nagkasala. Gayunpaman, kinuwestyun ni Chanco ang ginawang pag-aresto sa kanya kaya naghain siya ng administratibong reklamo laban kay Atty. Fran. Ayon kay Chanco, ang entrapment ni Atty. Fran ay isang pang-aapi, pag-abuso ng kapangyarihan, kawalan ng kaalaman, matinding kapabayaan ng tungkulin at sinadyang pagkilos taliwas sa tamang proseso ng operasyon. Nagkasala nga ba si Atty. Fran?

HINDI.
Ang isinagawang imbestigasyon at pagmamatyag ang naging basehan ng pagkilos ng grupo ni Atty. Fran. Samantala, walang sapat na batayan ang reklamo ni Chanco laban kay Atty. Fran. Sa katunayan, ipinatupad lamang ni Atty. Fran ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng gobyerno. Ipinapalagay ng batas na ang pagkilos ni Atty. Fran ay may mabuting layunin. Ang palagay na ito ay hindi napangibabawan ni Chanco. Bukod dito, ang pagkakamali ng mga opisyal ng gobyerno ay maabswelto pa rin kapag hindi napatuna- yang ito ay may malisya o isang matinding kapabaya- an na may masamang layunin (Golangco vs. Fung, G.R. 147640 Ombudsman vs. Court of Appeals and Fung, G.R. 147762, October 12, 2006).

ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT

ATTY

AYON

BENITO

BETTY

CHANCO

FRAN

LABOR CODE

SI BETTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with