Energy saving device estilong panggagantso!
December 22, 2006 | 12:00am
ILANG buwan na ang nakalipas matapos maipalabas ang ginawang pag-iimbestiga ng BITAG laban sa kawatang Commander energy saver, matagumpay na naidokumento ng BITAG ang kanilang estilong panggagantso sa publiko sa pamamagitan ng BITAG undercover na nag-apply sa kanila bilang empleyado.
Subalit sa kabila ng babalang ipinalabas ng BITAG ay patuloy pa rin ang paglaganap at pagbebenta ng energy saver kuno sa mga malalayong probinsiya. Pinalitan pa ng mga kolokoy ang pangalan ng kanilang produkto, oo nga naman para hindi sila mahalata.
Sinabi pa nila na ibang produkto sila at garantisado ang kanilang dalang produkto kumpara sa Commander energy saver. Kolokoy talaga, makapanloko lang gagawin lahat.
Nililinaw ng BITAG na ang pagtitipid sa konsumo ng kuryente ay hindi nakabatay sa kahit anong gadget o energy saver. Ang pagtitipid ay nasa inyo na kung paano kayo gumamit ng kuryente.
Kaya isang malaking kalokohan ang sinasabing energy saver. Mismong Meralco at Napocor na ang nagsabing wala pang gadget o device na naiimbento para makatipid ng konsumo ng kuryente.
Kaya dyan sa malalayong probinsiya kung may mga gumagalang ganitong uri ng energy saving device kuno na makakatipid kayo sa inyong kuryente, huwag nyong pansinin dahil panloloko yan.
Patuloy ang babalang ito ng BITAG bahagi lamang ito ng serbisyo publiko ng BITAG para hindi na dumami ang kanilang magiging biktima.
At sa mga ahente ng mga energy saver na patuloy sa kanilang panloloko mas magandang itigil nyo na ang panloloko bago pa man muli kayong mahulog sa BITAG.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended